November 09, 2024

Home SPORTS

Nanay ni Carlos Yulo, wafakels sa mga premyong makukuha ng anak

Nanay ni Carlos Yulo, wafakels sa mga premyong makukuha ng anak
Photo courtesy: Angelica Yulo/via MB

Wala raw pakialam ang nanay ng second Filipino Olympian na si Carlos Yulo, na si Angelica Yulo, sa mga premyong makukuha ng anak matapos masungkit ang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics para sa floor exercise ng men's artistic gymnastics.

Matatandaang naging usap-usapan ang tila sigalot sa pagitan ng mag-ina kaya ang fline-flex umano ng ina ay ibang katunggali ni Carlos sa men's all-around, gaya na lamang ng pambato ng Japan na si Shinnosuke Oka na siyang nakasungkit ng gold medal habang pang-12 puwesto ang anak.

"Japan pa din Talaga.. lakas" caption ni Angelica matapos ibahagi ang isang ulat patungkol dito.

Nang manalo ang anak at sure ball na dadagsain ito ng cash incentives mula sa pamahalaan kabilang na ang isang ₱24M condominium unit mula sa Megaworld Corporation, binalikan ng mga netizen si Angelica at sinumbatan ito.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Paglilinaw ni Angelica, hindi raw niya pakikialaman kung anuman ang mga makukuha ng anak dahil pinaghirapan daw niya ito.

"Wala naman akong pakialam sa 24M worth fully-furnished condo ni Caloy or sa 10M nya from our government. Deserve n'ya naman un " aniya.

Photo courtesy: Angelica Poquiz Yulo (FB)

Matapos dagsain ng batikos ay muling nag-post si Angelica. Sinabi ni Angelica na inaayos na raw nila ang isyu sa kanilang pamilya.

"Magandang hapon sa lahat!"

"Alam ko may mga pagkakamali ako pero inaayos na naming mag papamilya ang issue," aniya. Ibinigay rin niya ang kaniyang personal Facebook account.

"But maybe for now, I'll either turn off the comments section or deactivate my personal account to prevent you from entering our private lives. Umaasa ako na sooner or later magiging OK din ang lahat on all of us. Thank you!"

"EDIT: As you may have noticed, some of you are blocked on my personal account. For now, I’d prefer to deactivate it and reactivate it soon if all goes well," aniya pa.

Magandang hapon sa lahat! Alam ko may mga... - Angelica Poquiz Yulo | Facebook