Tuluyan nang nagpaalam sa gintong medalya ang Filipino boxer na si Carlo Paalam matapos ang split decision loss (2-3) sa kaniyang katunggaling si Charlie Senior ng Australia sa kanilang quarterfinal match para sa men’s 57kg class sa 2024 Paris Games noong Sabado, Agosto 3.
Siya ang pangatlong nabigong matalo sa boxing matapos maunang magpaalam sa kaniya sina Eumir Marcial at Hergie Bacyadan.
MAKI-BALITA: Eumir Marcial, emosyunal matapos matalo sa Paris Olympics
Hindi man pinalad, kuha naman ni Paalam ang suporta ng fans at netizens na naniniwalang "robbed" daw ang pagkatalo niya laban sa Aussie rival.
Sa kaniyang Instagram stories ay makikita ang pag-share ni Paalam ng posts ng mga mahal sa buhay, kaibigan, kakilala, at netizen patungkol sa kaniya at sa nangyaring laban.
Narito ang ilan:
"Win or lose, I am always proud of you, Love. God has good things in store for you."
"That was Robbery! Clear Robbery! Politics! Yawa haha... Carlo won that!"
"You won the fight bro! Still congrats!"
"The judges robbed bro's medal."
Samantala, si Carlos Yulo naman ang kauna-unahang Filipino athlete na nakasungkit ng gintong medalya sa 2024 Paris Olympics para sa floor exercise ng men's artistic gymnastics.
MAKI-BALITA: ₱24M na condo sa BGC, naghihintay na kay Carlos Yulo