December 22, 2024

Home SPORTS

Bukod sa medalya: Nag-uumapaw na 'ginintuang premyo,' naghihintay kay Carlos Yulo

Bukod sa medalya: Nag-uumapaw na 'ginintuang premyo,' naghihintay kay Carlos Yulo
Photo courtesy: MB/MB Sports

Matapos magwagi ng gintong medalya sa Paris Olympics 2024 para sa floor exercises sa men's artistic gymnastics, tiyak na sunod-sunod na ang mga premyo, rewards, at incentives na makukuha ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo, kagaya ng nakamit ng kauna-unahang Filipino/a Olympian na si Hidilyn Diaz para sa women's weightlifting noong 2020 Tokyo Olympics.

Ang gintong medalya ay tila representasyon nga ng mga "ginto" o mga nakalululang premyong makakamit ni Yulo dahil sa kaniyang tagumpay, na ayon din sa mga netizen ay "well-deserved" naman talaga.

Mas nadagdagan pa ito nang makasungkit pa ng isa pang gintong medalya si Yulo sa vault finals, kaya naman, lumikha ng kasaysayan ang atleta dahil siya lang naman ang kaisa-isang Pilipinong nagtamo ng dalawang gintong medalya sa Olympics. 

Kaya ano-ano na nga ba ang mga matatanggap na premyo at cash incentives ni Carlos Yulo?

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Una na rito ang mandato ng batas batay sa Republic Act 10699 noong 2015, o tinatawag na "National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act," kung saan, nakasaad na ang medalists mula sa Pilipinas ay mag-uuwi ng cash incentive batay sa ranking nila: kung gold medal ang naiuwi, siya ay may tumataginting na ₱10M, kung silver medal naman ay ₱5M, at kung bronze medal naman ay ₱2M, para sa individual event lamang. Ang isang Olympic gold medalist ay makatatanggap din ng Olympic Gold Medal of Valor at kikilalanin ng Philippine Sports Commission (PSC).

At dahil nakadalawang gintong medalya siya, nasa ₱20M na ang matatanggap niya. 

Iba naman ang panuntunan kapag koponan ang team ang nagkamit ng gold, silver, o bronze medal. Kapag ang koponan ay may dalawa hanggang limang miyembro, pareho lang ang cash incentives subalit kailangan itong hatiin batay sa dami nila. Kung anim pataas naman, bawat miyembro ng koponan ay may 25% sa nabanggit na cash incentives.

Ang coaches at trainers naman ng mga nanalong atleta ay makatatanggap din ng cash incentives, basta't sinanay nila ang kinatawan anim na buwan bago ang aktuwal na game.

Magbibigay rin ng bahay at lote ang Philippine Olympic Committee sa gold medalist.

Pero bukod sa mga nabanggit, wala pa riyan ang iba't ibang pledges at sponsorship ng iba't ibang government institutions, agencies, private companies, private organizations, at mga indibidwal na posibleng magbigay rin kay Yulo o sa sinumang makasusungkit ng medalya sa Olympics.

Nangunguna nga sa listahan ang isang condominium unit mula sa Megaworld Corporation na nagkakahalagang ₱32M na may cash bonus pang ₱3M, mula sa ₱24M, na inanunsyo na ng kompanya noong Huwebes, Agosto 1, bago pa man ang panalo ni Yulo. Anila, sinuman ang magkakamit ng gintong medalya sa Olympics ay pagkakalooban nila ng isang condo unit sa McKinley Hill sa Bonifacio Global City o BGC.

Batay sa panibagong post ng Megaworld, ang nabanggit na condo unit ay may tatlong full-furnished bedrooms, na may parking na rin, appliances, furnitures, at fixtures.

MAKI-BALITA: ₱24M na condo sa BGC, naghihintay na kay Carlos Yulo

Bukod dito, nag-pledge din ang International Container Terminal Services, Inc. ₱5M reward sa gold medalists ng athletics events, idagdag pa ang $50,000 cash incentives ng World Athletics para sa sinumang makakakuha ng gold medal sa anumang athletics events.

Naging ₱6M na rin ang ibibigay ng House of Representatives kay Yulo ayon kay Representative Elizaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations, mula sa naunang ₱3M.

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, makatatanggap ng P3M mula sa Kamara

Nagbigay naman ng "lifetime free buffet" ang isang luxury buffet restaurant para sa kaniya, at nagsabi na rin si Unkabogable Star Vice Ganda na kung gusto ni Yulong mag-relax ay puwede siyang dumiretso sa kaniyang bagong tayong "Vice Comedy Club" na patok na patok ngayon.

Congratulations Carlos... - Vikings Luxury Buffet, SM Mall of Asia | Facebook

Narito pa ang iba pang nadagdag sa premyo ni Yulo:

- ₱3M- Bounty Group Agro Ventures

- Lifetime free food & drinks - Tipsy Pig

- Lifetime engineering design - Nexa Engineering

- ₱1M worth of products - SM retail, department stores cosumable for one year

- ₱100k worth of furniture - Apollo

Free franchise - Macchiatos

Tiyak ding maraming kompanya ang kukuning endorser si Yulo at kung sino pa mang susunod sa yapak niya. Asahan din ang iba pang dagsa ng premyo at incentives para kay Yulo at iba pang atletang makasusungkit ng medalya sa Olympics.