December 23, 2024

Home BALITA Metro

Lacuna, nakiramay, nagpaabot ng tulong sa biktima ng sunog sa Binondo

Lacuna, nakiramay, nagpaabot ng tulong sa biktima ng sunog sa Binondo
(Arnold Quizol/MB)

Nagpaabot si Manila Mayor Honey Lacuna nang taos-pusong pakikiramay sa mga biktima ng sunog sa Binondo, Manila na ikinasawi ng 11 indibidwal nitong Biyernes.

BASAHIN: 11 indibidwal, patay sa sunog sa Binondo

Kaagad ding nagpaabot ng tulong ang alkalde para sa kanilang pamilya.

Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde na, "Sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, lubos po akong nakikidalamhati sa mga mahal sa buhay ng mga nasawi sa sunog na tumupok sa isang residential-commercial building sa Carvajal sa Binondo, Maynila kaninang umaga."

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

"Agad na pong nagpadala ng tulong ang Manila Social Welfare and Development (MSWD) upang alalayan ang pamilya ng mga nasawi at nawalan ng ari-arian, kabilang sa hatid ng MSWD ang psycho-social, medical, at financial aids," aniya pa.

Sa ngayon ay inaantabayanan pa aniya ng pamahalaang lungsod ang opisyal na ulat mula sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang maunawaan ang nangyari sa trahedya.

Bilang tugon naman sa trahedya, inatasan na rin ng alkalde ang lahat ng building at fire officials na magsagawa ng masusing inspeksiyon sa lahat ng istruktura sa lungsod.

"In response to this tragedy, I will be issuing a memorandum instructing all building and fire officials to conduct thorough inspections of all structures within the city," anang alkalde.

"The structures at highest fire risk especially those buildings that are at least 15 years old will be prioritized in the inspection to determine their compliance with the National Building Code and the Revised Fire Code of the Philippines," dagdag pa ni Lacuna.

Ayon sa alkalde, layunin nitong matiyak ang istriktong pagtalima sa umiiral na building at fire regulations, upang maiwasan na maulit pa ang ganitong pangyayari at mabantayan ang kapakanan ng mga residente.

"Muli, taos pusong pakikiramay sa pamilya ng mga nawalan. May the souls of the departed rest in peace," anang alkalde. 

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog dakong alas-7:20 ng umaga  sa canteen ng apat na palapag na residential-commercial building sa Carvajal St,. sa Binondo.

Nagsimula umano ang sunog sa isang tumagas na tangke ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ng kantina.

Dakong alas-10:04 ng umaga nang maideklarang fireout ang sunog.

Ayon kay Kagawad Nelson Ty, ng Barangay 289, na-trap ang mga biktima at hindi na nakalabas, na nagresulta sa kanilang kamatayan. 

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa inilalabas ang mga pangalan ng mga biktima.