December 23, 2024

Home SHOWBIZ

Gerald Anderson, nagpaabot ng dasal sa mga biktima ni Carina

Gerald Anderson, nagpaabot ng dasal sa mga biktima ni Carina
Photo Courtesy: Gerald Anderson (IG)

Nagpaabot ng dasal ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson para sa mga Pilipinong naging biktima ng bagyong Carina kamakailan.

Sa latest Instagram post ni Gerald nitong Martes, Hulyo 30,  ibinahagi niya ang ilang serye ng larawang kuha noong manalanta si Carina sa ilang bahagi ng Pilipinas.

“Filipinos will continue to rise, no matter the obstacles we face. Prayers to all victims of Typhoon Carina ” saad ni Gerald sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya: “To all the volunteers & rescuers, Maraming Salamat ”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Thank you Ge! You were also part of those rescuers but you chose to not post a picture of yourself… and that makes me a prouder fan of yours! Take care always!"

"hindi man lng nya sinama ung mga pics, videos na kasama sya magsagip... maraming salamat din sayo , idol talaga!!!! "

"I love you kuya Ge! Thank you for everything that you do for our countrymen! "

"mas mabilis pa ang team ni gerald kesa nasa gobyerno"

"KEEP MAKING A DIFFERENCE IN HUMANITY "

"Salute to you Mr. Gerald!!! And to all volunteers, SALUTE! MABUHAY KAYO!!!"

"The RESILIENCE is "

"Good job, Gerald! Salute and respect to you and to all the volunteers & rescuers "

"Good job @andersongeraldjr ikaw ang patunay na di kailangan maging Politiko para tumulong. "

"Maraming Salamat din sayo lods Kasi Isa Ka ring super hero. @andersongeraldjr "

Matatandaang kumalat sa iba’t ibang social media platform ang nakuhaang video ng pagsagip ni Gerald sa ilang nasalanta ng bagyong Carina.

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, lumusong sa baha para tumulong sa rescue

Dahil dito, itinutulak umano ang aktor na kumandidato bilang congressman sa darating na midterm elections sa susunod na taon.

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, kinukumbinseng mag-congressman

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Gerald tungkol dito.