Iginiit ni dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon na muli umanong magkakaroon ng video si Senador Ronald "Bato" dela Rosa na umiiyak, at ito raw ay dahil na sa International Criminal Court (ICC).
Sinabi ito ni Guanzon matapos ilabas ang balita kamakailan na isa si Dela Rosa sa mga tinitingnan ng ICC na suspek sa imbestigasyon nito sa madugong giyera kontra droga sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Abangan ang video ni Bato na umiiyak. ICC suspect sya sa extra judicial killings. Karma is real,” ani Guanzon sa isang X post.
Matatandaang nag-viral kamakailan ang pag-iyak ni Dela Rosa matapos magbitiw si Senador Juan Miguel Zubiri bilang pangulo ng Senado noong Mayo 2024.
“This is Bato has been so afraid of. - The ICC. Sleepless nights na sya. Genocide yon,” saad pa ni Guanzon.
Si Dela Rosa ang nagsilbing hepe ng Philippine National Police (PNP) noong 2016, kung kailan nagsimula ang war on drugs ni Duterte.
Kaugnay nito, inihayag kamakailan ni human rights lawyer Chel Diokno na base sa 2017 year-end accomplishment report ng Office of the President (OP) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, 20,322 drug suspects umano ang napatay sa giyera kontra droga sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 2017.
MAKI-BALITA: