Pinagmulan ng diskusyunan sa mga netizen ang isang viral social media post ng isang Facebook user matapos niyang ibahagi ang karanasan sa isang estudyanteng nag-eenrol na makapasok sa kolehiyo.
Nagulat ang netizen na nagngangalang "MaRose Rodriguez" sa isang student applicant sa kanilang paaralan para sa degree program na "Bachelor of Science in Hospitality Management (BSHM)" dahil kung titingnan naman ang mga nakuhang grado nito sa iba't ibang asignatura ay pawang matataas at nasa line of 9 pa.
91.42 ang general weighted average ng estudyante, with honors pa.
Subalit nang pagsulatin na raw nila para sa written assessment (essay), hindi raw ito makapag-construct nang maayos na pangungusap gamit ang wikang English.
"Here is the report card of an applicant to our BSHM course and one of that student’s answer to an essay question. The student has stellar grades on the report card, but struggles to string together a simple sentence in English, reads at a snail’s pace, and misinterprets even the simplest instructions."
Nang hindi matanggap ang anak, tumawag daw ang ina sa kanilang registrar's office upang alamin kung bakit hindi nakapasa sa kanilang pamantayan ang kaniyang anak na "intelligent." Nanindigan ang paaralan sa kanilang desisyong huwag tanggapin ang bata bata sa resulta ng written exam nito.
"After getting an email of non-acceptance, the mother called the registrar to complain why her 'intelligent' child was not accepted. We have seen so much 'drama' in our registrar’s office this month, with tears flowing. But No, we are standing by our ground. We are a private school after all. Students and parents should realize that grades are not everything, real education is so much more. This isn’t just an isolated case. Many of them are like this."
Here is the report card of an applicant to our... - MaRose Rodriguez | Facebook
Kaya para sa nabanggit na personnel, ito ay repleksyon ng kalagayan ng sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas sa kasalukuyan.
"It’s a symptom of a larger issue in our educational system. This post is not about blaming teachers or students. It’s about hoping to wake everyone to the crisis in our educational system. I think this issue is more important than the price of rice," aniya pa.
Batay sa kaniyang profile, si Rodriguez ay isang school administrator at nakapagtapos na rin ng kaniyang doktorado.
Sa kaugnay na balita, matatandaang isang netizen din ang kumuwestyon sa dami ng mga graduate na may "with honors" gayong tila hindi naman nag-eequate sa kanilang output.
Nagbigay naman ng reaksiyon at komento ang Department of Education (DepEd) tungkol dito.
MAKI-BALITA: DepEd, nagsalita kaugnay sa dumaraming estudyanteng may honors, awards