November 22, 2024

Home BALITA

'Mockery' ng Last Supper sa Paris Olympics 2024, sinalubong ng kritisismo

'Mockery' ng Last Supper sa Paris Olympics 2024, sinalubong ng kritisismo
Photo courtesy: Paris Olympics 2024/Freepik

Usap-usapan ang panggagaya ng ilang drag artists sa sikat na "The Last Supper" mural painting ni Italian High Renaissance artist Leonardo da Vinci, sa naganap na opening ceremony ng Paris Olympics 2024 nitong Hulyo 26.

Ang nabanggit na painting ay nagpapakita naman ng representasyon ng "Last Supper" o huling hapunan ni Jesus Christ sa kaniyang mga alagad bago siya damputin ng mga awtoridad upang isailalim sa isang paglilitis, na humangga sa pagkakapako niya sa krus ng kalbaryo.

Makikitang mga drag queens sa nabanggit na bansa ang gumanap na Hesukristo at mga alagad, bagay na hindi nagustuhan ng karamihan.

Narito ang iba't ibang mga reaksiyon at komento sa social media.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

"The Paris 2024 Olympics opening ceremony features a mockery of the Christian Last Supper. DISGUSTING Drag queens and a woman in an aureole! Not like I needed another reason not to watch! Sick."

"The Paris Olympics mocking our Lord and Savior Jesus Christ with a mock Last Supper including drag queens. No other religion is mocked this way. Only Christianity. Because even demons know the Truth."

"The Olympics are supposed to be a time where countries unite under the banner of sports..."

"The recreation of the Last Supper at the #OpeningCeremony for the Paris Olympics was a disappointing display of mockery towards the Christian religion. It is entirely disrespectful to replace that sacrosanct painting with drag queens, but they did it anyway."

"The Olympic organizers are a bunch of liberal nuts who have lost their minds."

Sa kaugnay na balita, matatandaang dito sa Pilipinas, kinuyog din ng kritisismo ang drag artist na Pura Luka Vega matapos daw niyang "bastusin" ang dasal na "Ama Namin" na ginamit niya sa isang performance habang ginagaya si Hesukristo. Dahil dito, idineklara siyang persona non grata sa iba't ibang lugar at ilang grupo pa ang nagsampa ng kaso laban sa kaniya.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng Paris Olympics tungkol sa isyu.