Kahit wala sa bansa sa kabila ng pananalasa ng super bagyong Carina at habagat, agarang nagkaroon ng relief operations ang Office of the Vice President (OVP) para ipamahagi sa mga nasalantang pamilya at residente kahapon ng Miyerkules, Hulyo 24, at nagpapatuloy pa.
Ayon sa opisyal na Facebook page ng OVP, sa pamamagitan ng OVP Disaster Operations Center (DOC), ang OVP ay nag-preposition ng mga relief boxes at naghanda ng hotmeal na ipinamahagi sa mga responder at biktima ng mga apektadong lugar. Ang OVP-DOC ay malapit na nakikipag-ugnayan sa mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) at sa iba't ibang local government units (LGUs) sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Carina para sa pagsasagawa ng relief operations nito.
RELIEF... - Office of the Vice President of the Philippines | Facebook
Sa kabila ng walang humpay na buhos ng ulan at matinding pagbaha, lumarga ang Office of the Vice President (OVP) Kalusugan Food Truck at namahagi ng mainit na Arroz Caldo sa 240 disaster responders na kinabibilangan ng Barangay rescuers, pulis, barangay tanod at iba pang naapektuhan ng pagbaha sa Manresa Covered Court, Barangay Manresa, Quezon City.
OVP KALUSUGAN... - Office of the Vice President of the Philippines | Facebook
Kahapon ay napaulat na lumipad pa-Germany si VP Sara at kaniyang pamilya, sa hindi naipaliwanag na dahilan. Wala ring inilabas na opisyal na pahayag ang OVP kaugnay rito.
MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, lumipad pa-Germany