November 22, 2024

Home SHOWBIZ

Gerald Anderson, lumusong sa baha para tumulong sa rescue

Gerald Anderson, lumusong sa baha para tumulong sa rescue
Photo courtesy: @TmaeOsanomae (X) via Kapamilya Online World/FB

Pogi points para sa mga netizen ang pagmamalasakit na ipinakita ni Kapamilya actor Gerald Anderson matapos niyang lusungin ang baha at tumulong sa pagligtas ng isang pamilyang na-trap sa baha sa loob mismo ng bahay sa Quezon City.

Kuwento ni Rachelle Joy Kabayao sa panayam ng ABS-CBN News, ipinadala sa kaniya ng kapatid na siyang uploader ang nabanggit na video ng paghingi ng rescue. Alas-11:00 ng umaga ay humihingi na sila ng tulong mula sa barangay. Makalipas daw ang tatlong oras ay dumating ang team ni Gerald.

Bukod sa army reservist, kilala rin si Gerald na nagpatayo ng basketball court sa nabanggit na lugar.

Kaya naman puro papuri ang ibinigay ng mga netizen kay Gerald.

Bea, ayaw na sa new year's resolution; 2024, 'hardest year' ng kaniyang buhay

"Ganyan talaga dahil reservist military c Gerald. Good job sir Gerald."

"Salute! And this is not the first time na tumulong siya. Magaling at trained din yan lumangoy. Remember PCG Auxiliary Lieutenant Commander yan si Gerald."

"Alam ko reservist sya kaya pag may ganyan kailangan nya tumulong kasi yan ang isa sa mga ipinangako ng mga reservist."

"Matulungin yan si Gerald. Noong bagyong Ondoy, di ba isa rin yan sa mga rescuer. Pag-ingatan kayo ni Lord."