December 24, 2024

Home BALITA Metro

Pasahero, windang sa karanasan nang lumubog ang bus sa baha

Pasahero, windang sa karanasan nang lumubog ang bus sa baha
Photo courtesy: Tracy Neri (FB)

Viral ang Facebook post ng netizen na si "Tracy Neri" matapos niyang ibahagi ang mga kuhang larawan ng paglubog ng pampasaherong bus na kaniyang sinakyan sa baha, habang nasa Barangay Tatalon sa Araneta Avenue, Quezon City kaninang umaga ng Miyerkules, Hulyo 24.

Kaugnay pa rin ito sa walang humpay na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Carina (na itinaas na bilang super bagyo kaninang alas-5:00 ng hapon) na sinabayan pa ng southwest monsoon o habagat, na mas lalong nagpalakas sa ulan, na nagsanhi naman ng mabilis na pag-apaw ng antas ng baha.

"Great experience kuyang driver, 10/10 ka sakin," caption ni Tracy sa kaniyang Facebook post.

Tracy Neri - Great experience kuyang driver, 10/10 ka sakin. | Facebook

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Kuwento ni Tracy sa comment section ng kaniyang sariling post, laking gulat daw niya nang maramdamang nababasa na ang kaniyang paanan dahil mahimbing siyang natutulog nang mga sandaling iyon.

Mapalad namang naging mabilis ang rescue team kaya agad na nailikas ang mga pasahero kasama na ang drayber at konduktor.

Biro pa niya sa komento ng isang netizen, laking Malabon siya kaya sanay siya sa mga pagbaha, kaya hindi baha ang tatapos sa kaniya.

Batay sa kaniyang Facebook profile, si Tracy ay nagtatrabaho sa isang hotel.