Kabilang din sa umaaksiyon ang non-government organization na Angat Buhay ngayong nanalasa ang bagyong Carina at hanging habagat sa ilang bahagi ng Pilipinas.
Sa Facebook post ni dating Vice President Leni Robredo nitong Miyerkules, Hulyo 24, sinabi niyang nakikipagtulungan umano ang Angat Buhay sa ilan nilang partners upang tumulong sa rescue operations sa National Capital Region (NCR).
“We are directly coordinating with various Local Government Units to report immediate rescue needs in their areas,” aniya.
Dagdag pa niya: “We are in touch with our Angat Bayanihan volunteers in the following areas to start our immediate relief operations: Quezon City, Pasay City, Bataan, Rizal, Antipolo City, Malabon City, Novaliches, Bulacan, Marikina City, Olongapo City, Manila City.”
Sa huli, hinikayat ng dating bise-presidente muli umanong magbayanihan at sikaping tugunan ang agarang pangangailangan ng mga kababayan sa mga lugar na apektado ng bagyong Carina.
Samantala, kasalukuyan namang lumipad pa-Germany si Vice President Sara Duterte na pumalit sa kaniya sa nasabing posisyon.
MAKI-BALITA: VP Sara Duterte, lumipad pa-Germany