January 23, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Iyah Mina, nag-react sa isyu ng pagtawag ng 'sir' sa transgender customer

Iyah Mina, nag-react sa isyu ng pagtawag ng 'sir' sa transgender customer
Photo courtesy: Iyah Mina (FB)/John Calderon via Ogie Diaz (FB)

Nagbigay ng kaniyang reaksiyon at saloobin ang kauna-unahang transgender na nanalong "Best Actress" sa isang Filipino award giving body na si Iyah Mina kaugnay sa isyu ng pagtawag ng "sir" ng isang waiter sa transgender customer ng isang restaurant sa Cebu kamakailan.

Sa Facebook post ni Iyah, sinabi niyang walang masama sa pag-educate sa mga tao subalit hindi na kailangan pang humantong sa pamamahiya.

Nagkuwento rin si Iyah na maging siya ay natatawag pa ring "Sir" kahit nakadamit at posturang babae na siya.

"Minsan nagagalit ako pag natatawag akong Sir, pero anu ba itsura ng Sir? Kaya ok lng naman minsan matawag kung hindi sinasadya , educate them.. yun lang un:.." anang Iyah.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Yung nasakyan kong Grab nung nakaraan.. napagsabihan ko siya dahil paulit ulit un sir … kulang nlng yun suot ko pll labas katawan dahil galing ako ng Gig.."

"Paguwi ko my message siya sakin sa Messenger super sorry ay ililibre nia daw ako ng ride para matanggap ko un sorry nia.."

"Pag napagsibihan at nagalit sila yaan mo na kung lalake ang tumawag sayong sir… Tingin ka lang then, Sir ? Ibabalik naman nila agad un ng ay sorry po mam.. then patawa lang na eto sir kuya naman eh.. pag babae naman nagsabi ng sir at paulit ulit tawagin mo lng kuya titingin sayo un at sabihin mo sa knya senxa na muka kang lalake kasi .. eme! "

Giit ni Iyah, "Hindi lahat maiintindhan di lahat matatanggap… OO ang hirap ng position namin…. Apaka daling sabihin Respeto, At Pagtanggap ang hirap lang nilang gawin… Anu ba pumipigil ?"

"Tao din kami… TAOOOOOOOOO!!!!!!! Hindi kami kakaiba paulit ulit nlng…. Acceptance lang ang kailangan…. Wooooo!!!!" dagdag pa niya.

Samantala, sa kaniyang Facebook post ay naglabas na ng public apology si Bacalso dahil sa mga nangyari.

MAKI-BALITA: Bacalso, nag-sorry sa isyu ng pagpapatayo sa waiter dahil tinawag siyang 'sir'

Nilinaw rin niyang hindi raw siya nag-demand sa waiter na tumayo ito sa mahabang oras habang ipinaliliwanag dito ang gender sensitivity issue.

MAKI-BALITA: Bacalso, 'di raw nag-demand na tumayo ang waiter na tumawag ng 'sir' sa kaniya

MAKI-BALITA: Bukod daw sa keps: Ogie kay Jude, 'Sana pinakitaan mo ng pruweba na babae ka talaga!'

MAKI-BALITA: Transgender customer na nagpatayo sa waiter, tinadtad ng 'sir' at 'angkol'