Nagbigay ng reaksiyon at saloobin ang showbiz columnist na si Ogie Diaz tungkol sa isyu ng umano'y pagpapatayo ng dalawang oras ng social media personality-event host na si Jude Bacalso sa isang waiter ng restaurant sa Cebu matapos siyang tawaging "sir."
"Pinatayo mo for 2 hours yung waiter kasi nainsulto ka dahil tinawag kang “sir.” Yan ang lumalabas sa mga posts. (Nasa comment section yung link.)," ani Ogie sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Hulyo 22.
"Nainsulto ka kasi, nakaayos-babae ka, pero hindi mo na-achieve na tawagin kang 'Ma’am.'"
"Ganun naman pala na babae ang tingin mo sa sarili mo, eh di sana, pinakitaan mo ng pruweba na magpapatunay na babae ka talaga bukod sa pagpapakita ng keps."
"Katulad kunwari ng birth certificate. Ipakita mo na FEMALE ang nakalagay sa gender mo doon para mas maintindihan ka ng waiter kung saan nanggagaling yung ngitngit mo."
"Nagdesisyon kang ibahin ang pagkatao mo, tapos ang gusto mo, mag-adjust lahat ang mga tao sa pagbabago mo ng anyo. Agad-agad? Di ba pwedeng dahan-dahan lang, Ateng? Tutal, ikaw naman ang nagdesisyong magbago ang takbo ng pagkatao mo? Entitled ka naman masyado, teh."
"Nag-sorry na nga yung waiter, di pa rin sapat at pinatayo mo pa talaga nang dalawang oras?"
"Gusto mong maging proud ang LGBTQIA+ community sa yo, paano? Itsura mo lang ata nagbago, sana, idinamay mo na rin pati pagkatao mo para mabitbit mo kahit saan ka dumayo."
"Gusto mo pairalin ang gender sensitivity ng mga tao sa LGBTQIA+ community, pero hindi ka naman sensitive sa nararamdaman ng ibang tao."
"Pag ang tao, nag-sorry na, patawarin mo na. Wag mo nang bini-big deal ang isang sitwasyon na ikaw mismo, kaya mong solusyunan, ayaw mo lang."
"Wag ka nang maging initials ng asawa ni Regine Velasquez," giit pa ni Ogie.
(1) Ogie Diaz - Pinatayo mo for 2 hours yung waiter kasi nainsulto ka... | Facebook
Samantala, sa isang Facebook post ay nag-sorry na si Bacalso sa lahat ng mga na-ooffend sa kaniyang ginawa. Pero paliwanag niya, hindi raw siya nag-demand sa waiter na tumayo ito ng dalawang oras. Ang nangyari daw kasi, ipinaliwanag niya rito ang gender sensitivity issue at tumagal lamang ang pagkakatayo nito dahil sa paghihintay sa kinatawan ng management na papagitan sa kanila.
Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag si Bacalso sa naging post ni Diaz.
MAKI-BALITA: Bacalso, nag-sorry sa isyu ng pagpapatayo sa waiter dahil tinawag siyang 'sir'