December 23, 2024

Home FEATURES Lifehacks

Socmed personality sa mga bata: 'Adulthood is not fun'

Socmed personality sa mga bata: 'Adulthood is not fun'
Photo Courtesy: Freepik

Nagbigay ng payo ang social media personality na si Xian Gaza para sa mga bata na tila nagmamadali sa buhay.

Sa Facebook post ni Xian noong Sabado, Hulyo 20, binasag niya ang madalas na misconception na kapag nagkatrabaho ay automatic na maraming pera.

“Hindi totoo na kapag nagkatrabaho ka na eh marami ka ng pera. Sa mga bills pa lang at sa personal mong gastusin, ubos ka na, tapos may mga kapamilya ka pa na dapat suportahan,” saad ni Xian.

“Adulthoood is not fun. Unending cycle of financial problems and work work work for the sake na maka-survive sa araw-araw at hindi kayo mamatay,” aniya.

Lifehacks

Pag-require sa bagong empleyadong mag-perform sa Christmas party, labag sa batas?

Dagdag pa niya: “That's the main reason why we feel less happy as we grow up. Nabubuhay at bumabangon na lang kasi tayo para sa mga responsibilidad.”

Kaya naman hinimok niya ang mga bata na sulitin ang buhay na wala pang kaakibat na anomang responsibilidad.

“‘Yung happiness na nadarama mo ngayon sa edad na yan ay hindi mo na ulit mararamdaman sa iyong pagtanda dahil ang puso mo ay mababalot ng dilim sa dami ng iyong pagdadaanan,” sabi pa niya.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 62k reactions at 39k shares ang nasabing post ni Xian.