November 23, 2024

Home BALITA National

Romualdez sa SONA ni PBBM: 'I'm sure it will be an excellent one'

Romualdez sa SONA ni PBBM: 'I'm sure it will be an excellent one'
MULA SA KALIWA: House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Bongbong Marcos (MB file photo)

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na magiging maganda ang kalalabasan ng State of the Nation Address (SONA) ng kaniyang pinsang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 22.

Sa isang panayam ng mga mamamahayag nitong Sabado, Hulyo 20, na inulat ng Manila Bulletin, ibinahagi ni Romualdez ang kaniyang “excitement” na marinig ang ikatlong SONA ni Marcos. 

"Actually we are very excited to listen to the SONA. I'm sure the President will have other legislative agenda and I'm sure follow-up yan sa lahat ng mga social amelioration projects, programs, anything to help the needy Filipinos, and of course all the other developmental programs that we'll be following through," anang House leader.

Nang tanungin kung nag-practice ba ang pangulo ng kaniyang talumpati sa kapamilya nito, ani Romualdez: "Wala akong details diyan, pero I'm sure it will be an excellent one." 

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Kaugnay nito, sinabi rin ng pinsan ng pangulo na sa tingin niya ay nire-revise pa nito ang kaniyang talumpati dahil na rin daw sa pagiging “perfectionist” nito.

"Alam ko tapos na niya yung SONA speech niya. Pero perfectionist siya, nire-revise niya sigurado," ani Romualdez.

"Ina-analyze [niya] lahat ng mga data at marami mga inputs pa siguro pumapasok. Pero alam ko in principle tapos na pero rini-revise niya, pina-polish niya lang yan," saad pa niya. 

Nakatakdang ganapin ang SONA ni Marcos sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.