November 22, 2024

Home BALITA

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA
Photo courtesy: Kiko Pangilinan, Bongbong Marcos (FB)

Nanawagan si dating senador Atty. Kiko Pangilinan kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na tuluyan na niyang ipagbawal ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa dahil ito raw ay malinaw na banta sa national security ng bansa.

Sa kaniyang serye ng X post isang araw bago ang SONA ni PBBM sa Lunes, Hulyo 22, panahon na raw para tuldukan na ang POGO kaya hangad niyang banggitin ito ng pangulo sa kaniyang talumpati.

"Mr. President, tuluyan niyo nang i-ban ang operasyon ng POGO sa bansa. Mas mabuti kung ihahayag niyo ito sa inyong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes," anang Kiko.

"Panahon na para tuldukan ang POGO dahil napakalaki ng social cost na idinulot ng POGO sa ating bansa na mahirap nang baliktarin."

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"Sangkot din ang mga dayuhang nagtatrabaho sa iba't ibang uri ng krimen at ilegal na aktibidad sa bansa, gaya ng online scam, murder, human trafficking, extortion, money laundering, tax evasion, at torture."

"Malinaw rin na banta ang POGO sa ating national security, lalo pa't maraming Chinese national na ang nakapasok sa bansa gamit ang palsipikadong dokumento."

Iginiit ni Kiko na isa siya sa mga bumoto noong 2021 na ipagbawal ang POGO sa bansa.

"Isa tayo sa mga bumoto noon kontra sa panukalang magbubuwis sa POGOs noong 2021. Nakakalungkot ngunit nangibabaw ang boto ng mga kakampi noon ng nakaraang administrasyon," aniya pa, na tumutukoy kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.