November 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Tio Moreno, nag-open letter kay PBBM dahil sa 'pang-aasar' ng BINI

Tio Moreno, nag-open letter kay PBBM dahil sa 'pang-aasar' ng BINI
Photo courtesy: Tio Moreno (FB)/BINI (FB)/Bongbong Marcos (FB)

Matapos mag-trending ang "Jabbawockeez-inspired" na outfitan ng Nation's girl group na BINI habang nasa airport bilang pang-asar daw sa bashers nila, muling nag-post ang kontrobersiyal na writer na si "Tio Moreno" patungkol dito, ngunit sa pagkakataong ito ay isang open letter na para kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Ang Jabbawockeez ay isang American hip-hop dance crew na sumikat matapos manalo sa first season ng America's Best Dance Crew noong 2008. Nakilala sila dahil sa pagsusuot nila ng maskara habang sumasayaw. 

Ayon kay Moreno, kailangan daw busisiin ang ginawa ng BINI na maaaring paglabag umano sa panuntunan ng paliparan. Nilatagan ni Moreno ng executive order at republic act ang kaniyang mga argumento upang mas maging matibay ang kaniyang mga nais ipunto.

MAKI-BALITA: BINI, inasar mga bashers

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

"Dear President Bongbong Marcos," panimula niya sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Hulyo 19.

"I am writing to express my concerns regarding the current state of your administration, specifically addressing the apparent discrepancy in the enforcement of laws and regulations affecting ordinary citizens versus public figures— knowing that your SONA is fast approaching."

"Case in Point: BINI's Jabbawockeez Outfit at the Airport"

"Pursuant to Executive Order No. 311 (2004), the Office for Transportation Security (OTS) was established to implement security measures within the transportation sector, including airports. According to OTS Administrative Order No. 01, Series of 2019, there are clear standard operating procedures for security screening at airports that emphasize the necessity for identity verification and the prevention of prohibited items on board. Attire or accessories that significantly obscure the face are subject to prohibition or additional scrutiny to ensure proper identification."

"Further, the Transportation Security Act (Republic Act No. 9372) provides the legal framework for ensuring transportation security, which includes the screening of passengers and their belongings. Additionally, the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) regulations mandate identity verification and the ability to conduct thorough security checks at airports.

Given these legal provisions, I question why ordinary citizens are subjected to stringent security measures, including revealing almost everything at airport checkpoints, while the BINI group appears to be granted leniency, potentially bypassing these critical security protocols."

Kaya tanong at hamon ni Moreno kay PBBM, "Is this not a violation of the aforementioned orders and laws?"

"I urge your administration to address these inconsistencies and ensure that all individuals, regardless of their public status, are equally subject to the laws and regulations designed to protect our nation’s security."

Dagdag pa ni Moreno, "You asked for good arguments, right? Hindi 'yong bardagulan lang. Now give me good rebuttals."

Tio Moreno - Dear President Bongbong Marcos, I am writing to... | Facebook

Nauna nang nag-viral ang post ni Moreno patungkol sa pagkukumpara niya sa pag-handle ng kasikatan ng BINI at ni Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo kamakailan. 

MAKI-BALITA: BINI, gawin daw example si Sarah Geronimo pagdating sa kasikatan

MAKI-BALITA: Writer, pinikon 'kulto' ng fans: 'Sarah Geronimo is better than BINI in all aspects!'

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pangulo kaugnay ng isyu.