Nanumpa na si dating Senador Sonny Angara kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd) nitong Biyernes, Hulyo 19.
Sa isang Facebook post nitong Sabado, Hulyo 20, ibinahagi ni Marcos ang isang larawan ng nangyaring oath taking ni Angara sa bago nitong posisyon.
“I am optimistic for the future of Filipino students and teachers as the steps into the leadership of my good friend, Secretary Sonny Angara,” saad ng pangulo.
Matatandaang noong Hulyo 2 nang ihayag ng Palasyo na si Angara na nga ang napiling bagong hepe ng ahensya matapos iaununsyo ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang pagbibitiw sa posisyon noong Hunyo 19.
MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’
MAKI-BALITA: Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong DepEd secretary
Noon lamang namang Huwebes, Hulyo 18, nang opisyal nang ipasa ni Duterte kay dating Angara ang pamunuan ng DepEd sa ginanap na turnover ceremony sa Bulwagan ng Karunungan sa Pasay City.
MAKI-BALITA: VP Sara, ipinagkatiwala na ang DepEd kay Sen. Angara
Pagkatapos nito ay nagbitiw naman si Angara bilang senador ng bansa upang tutukan daw ang kaniyang tungkulin sa DepEd.
MAKI-BALITA: Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador