November 23, 2024

Home BALITA National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang probinsya ng Sultan Kudarat nitong Biyernes ng hapon, Hulyo 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 2:19 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 37 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Lebak, Sultan Kudarat, na may lalim na 4 kilometro.

Posible umanong magkaroon ng aftershocks ang lindol, ngunit hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

National

VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’