December 23, 2024

Home BALITA National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador
Courtesy: DepEd Secretay Sonny Angara/FB

Nagbitiw na si Senador Sonny Angara sa kaniyang pwesto sa Senado matapos ang pagtalaga sa kaniya bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Base sa resignation letter ni Angara na may petsang Hulyo 16 at isinapubliko nitong Huwebes, Hulyo 18, ibinahagi ni Angara na ang kaniyang magiging katungkulan sa DepEd ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw bilang senador ng bansa.

“I write to formally tender my resignation from my position as Senator of the Republic of the Philippines, effective July 18, 2024. This is in light of my forthcoming appointment as Secretary of the Department of Education (DepEd),” ani Angara sa resignation letter.

“I have served our countrymen through the Senate of the Philippines for 11 years. And in that period, I have been able to shepherd landmark legislation on making quality education and healthcare more accessible; increasing the take-home pay of our workers; increasing the social pensions of senior citizens; exempting PWDs from VAT; giving incentives to our national athletes and coaches; and providing bigger support to Tatak Pinoy industries, among many others.”

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“The portfolio that I will be taking on as DepEd Secretary is riddled with very serious challenges. But I am confident that with your support and of the rest of my colleagues at the Senate, these challenges are surmountable,” saad pa niya.

Nasa ikalawang termino na si Angara sa Senado kung saan nakatakda sana itong matapos sa Hunyo 30, 2025.

Samantala, nito lamang ding Huwebes nang opisyal nang ipinasa ni Vice President Sara Duterte kay Angara ang pamunuan ng DepEd sa ginanap na turnover ceremony sa Bulwagan ng Karunungan sa Pasay City.

MAKI-BALITA: VP Sara, ipinagkatiwala na ang DepEd kay Sen. Angara

Matatandaang noong Hunyo 19 nang ianunsyo ni Duterte ang kaniyang pagbibitiw bilang kalihim ng DepEd at miyembro ng gabinete ni Marcos.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

Pagkatapos nito, noong Hulyo 2 nang ihayag ng Palasyo na si Angara na nga ang napiling bagong hepe ng ahensya.

MAKI-BALITA: Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong DepEd secretary