November 22, 2024

Home BALITA National

Sa gitna ng sigalot sa iba't ibang bansa: Panalangin para sa kapayapaan, paigtingin

Sa gitna ng sigalot sa iba't ibang bansa: Panalangin para sa kapayapaan, paigtingin
Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula via CBCP News

Hiniling ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga parish priests, mga miyembro ng relihiyosong kongregasyon at mga lay leaders na idagdag ang prayer petitions para sa kapayapaan sa mga bansang Ukraine, Israel at Palestine, at sa buong mundo, sa lahat ng kanilang daily masses.

Sa circular na nilagdaan ni Archdiocese of Manila Vice Chancellor Fr. Carmelo P. Arada Jr. at may petsang Hulyo 16, 2024, nabatid na sisimulan ang pagsasama ng prayer petitions for peace sa mga daily masses, simula sa Sabado ng gabi, Hulyo 21, 2024.

"His Eminence Jose F. Cardinal Advincula requests that we pray the additional intentions for the Prayer of the Faithful during all our daily Masses starting Saturday evening, 21 July 2024," bahagi pa ng Circular.

Nabatid na nakasaad sa naturang prayer petition ang paghiling na mamayani na ang kapayapaan sa mga naturang bansa.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“Upang mamayani ang kapayapaan sa Ukraine, sa Holy Land at sa buong mundo at ipag-adya nawa ang sangkatauhan sa karahasan, kasakiman at pang-aabuso ng kapangyarihan na nagdudulot ng paghihirap at kamatayan sa marami. Manalangin tayo sa Panginoon,” anito.

“Upang ang lahat ng mga nagdurusa dahil sa kalupitan ng digmaan ay daglian nang makaranas ng kapayapaan at mabuhay nang may kapanatagan at kalayaan. Manalangin tayo sa Panginoon,” dagdag pa nito.

"Let us fervently offer our prayers and sacrifices that the voice of peace may be heard. Thank you very much. Let us unite ourselves in prayer," nakasaad pa sa circular.