December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

BINI hindi raw nag-iinarte at nag-aattitude: 'Sadyang nag-iingat lang sila!'

BINI hindi raw nag-iinarte at nag-aattitude: 'Sadyang nag-iingat lang sila!'
Photo courtesy: via Balita/Tio Moreno (FB)

Kung may ilang social media personalities at netizens na nakakapansing tila "OA" na raw ang pagprotekta sa sarili ng all-female Pinoy Pop group na BINI mula sa ilang agresibong fans, kabaligtaran naman ito sa naging pagtatanggol ng isang vlogger-negosyante na si Richard Licop na nasa likod ng YouTube channel na "Richard Knows."

Ikinuwento ni Richard sa isang post ang isang insidente sa isang event sa Makati kung saan naimbitahang mag-perform ang BINI.

Dahil sa pagiging agresibo ng ilang fans, bumagsak ang isang pader na mabuti na lamang, hindi tumama sa mga miyembro ng BINI.

Kaya para kay Richard, hindi nag-iinarte at nag-aattitude ang BINI kundi paraan lamang ito ng management para ingatan at protektahan sila.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Sinita pa ni Richard ang social media personality na si Xian Gaza na isa rin sa mga nagbigay ng puna sa pag-alma ng mga miyembro ng BINI pagdating sa kanilang privacy at personal space.

Buong post niya:

"Dear Xian Gaza, Musta ka? Sana ok ka lang. Hindi 'Nag-aattitude ng ganyan' ang BINI_ph, Sadyang nagiingat lang sila at iniingatan lang sila ng Management nila. Ito ay isa sa mga insidenteng nangyari na hindi alam ng mga Tao."

"Nangyari ito sa isang Event na naimbitahan ang Bini. Hindi kagustuhan ng Fans na makasakit o mailagay sa kapahamakan ang Bini pero dahil sa kagustuhan nilang makita at makawayan ang Bini, ito ang nangyari. Nagiba ang pader at muntik na mabagsakan ang Bini na sa mga oras na yan ay papaakyat na sa Stage. Nabagsakan ang mga Body Guards ng Bini at ilang Staff dahil sa mga Fans na nag-akyatan at nagtulukan sa kabilang pader."

"Sa kabila ng nangyari, Nag-perform padin ang Bini para makapag pasaya ng Tao. So kung ikaw? Ok lang sayo? Walang kaplastikan , kahit ako man, Sumikat, Magiging masaya ako. Pero kung malalagay na sa kapahamakan ang buhay ko at buhay ng ibang tao, siguro naman hindi kaartehan na maging maingat."

"Salamat Nagyari ito sa harap mismo ni Direk Lauren, na walang magawa kundi tingnan ang Pader na bumagsak. Kahit sino walang magagawa dito kundi magplano nalang ng ibang paraan para lalong maging protektado ang mga alaga mo."

Facebook

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Richard, inamin niyang hindi siya fan ng BINI noon, subalit nang mapanood niya ang mga ito sa nabanggit na Makati event, ay naging fan na rin siya.

Hanga raw siya sa propesyunalismo ng BINI dahil kahit nagkaroon nga aberya sa event dahil sa ilang mga "pasaway" na fans ay tuloy-tuloy pa rin sila sa performance na parang walang nangyari.

"Nagtulakan kasi 'yong mga tao sa kabilang pader," kuwento niya.

"Nag-akyatan kaya bumagsak. Buti hindi nabagsakan ang BINI, pero may ilang mga bouncer at ibang staff ang medyo nahagip, sa harap mismo ni Direk Lauren [Dyogi]. Pero professional sila. Nag-perform na parang walang nangyari," paliwanag pa niya.

MAKI-BALITA: Writer, pinikon 'kulto' ng fans: 'Sarah Geronimo is better than BINI in all aspects!'

MAKI-BALITA: BINI, gawin daw example si Sarah Geronimo pagdating sa kasikatan

MAKI-BALITA: Xian Gaza sa BINI: 'Habang baliw na baliw fans n'yo, sabayan n'yo'

MAKI-BALITA: 'Kayo ang dapat mag-adjust!' Xian Gaza, nakuha gigil ng Blooms

MAKI-BALITA: Direk Lauren, nanawagang irespeto ang personal space at privacy ng BINI

MAKI-BALITA: BINI Aiah, sinunggaban ng isang lalaki sa bar; fans nanggalaiti sa galit

MAKI-BALITA: BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy