December 26, 2024

Home BALITA National

Sen. Gatchalian, nakatanggap umano ng banta sa kaniyang buhay

Sen. Gatchalian, nakatanggap umano ng banta sa kaniyang buhay
Courtesy: Sen. Win Gatchalian/FB

Iniulat ni Senador Win Gatchalian sa Pasay City Police na nakatanggap umano siya ng banta sa kaniyang buhay sa gitna ng kaniyang partisipasyon sa pag-imbestiga ng Senado sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na konektado kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at sa Guo family.

“I am writing to formally report an incident involving threats made against my life. These threats appear to be a consequence of my active participation in the Senate investigation on the Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) connected to Mayor Alice Guo of Bamban and the Guo family,” ani Gatchalian sa ipinadalang sulat sa pulisya na may petsang Hulyo 4, 2024.

Ayon sa senador, sinabihan siya ng kaniyang staff noong Hulyo 4 na may isang video na kumakalat online na naglalaman umano ng mga pagbabanta sa kaniyang “personal safety” at “well-being.”

“The creation and online dissemination of this video has caused me substantial concern for my security, as well as the safety of those around me, particularly my family and staff,” saad ni Gatchalian.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

“In light of these serious threats, I formally request that the Pasay City Police initiate a police report on this matter and conduct a thorough investigation. I urge you to take swift action to ensure the safety of myself and those associated with me,” dagdag niya.

Matatandaang noong Hunyo 18, 2024 ay inilabas ni Gatchalian ang isang dokumento na nagsasabing may posibilidad umanong “Guo Hua Ping” ang tunay na pangalan ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

MAKI-BALITA: Mayor Alice Guo, may tunay nga bang pangalan na ‘Guo Hua Ping’?

Pagkatapos nito, Hunyo 27, 2024 nang isiwalat ni Senador Risa Hontiveros na kinumpirma na ng National Bureau of Investigation (NBI) na iisa lamang si Guo at ang Chinese national na si “Guo Hua Ping.”

MAKI-BALITA: NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros

Noong lamang namang Sabado, Hulyo 13, nang maglabas ang Senado ng arrest order laban kay Guo dahil sa hindi nito pagdalo sa mga pagdinig ng Senate committee noong Hunyo 26, 2024 at Hulyo 10, 2024, kaugnay ng na-raid na POGO hub sa Bamban.

Bukod sa suspendidong alkalde ay inihain din ang arrest order laban kina Dennis Cunanan, Nancy Gamo, Sheila Guo, Wesley Gui, Jian Zhong Go, Seimen Guo, at Wenyi Lin.

MAKI-BALITA: Senado, naglabas na ng arrest order vs Alice Guo

Kaugnay nito, ipinahayag ni Gatchalian kamakailan na isang hakbang ang pag-aresto kay Guo at pito pa nitong mga kasamahan para masigurado umano ang kaligtasan ng bansa.

MAKI-BALITA: Gatchalian sa tunay na pagkatao ni Mayor Alice Guo: 'Nalusutan tayo'