November 23, 2024

Home BALITA National

DOH, nagbabala vs nagpapanggap na website ng ahensya

DOH, nagbabala vs nagpapanggap na website ng ahensya
DOH (MB file photo)

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa isang website na nagpapanggap bilang opisyal na website ng ahensya.

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Hulyo 13, ibinahagi ng DOH ang isang screenshot ng naturang pekeng website.

"The DOH clarifies that this website is not affiliated with the Department and the purported contents have been maliciously edited," anang DOH.

Kaugnay nito, iginiit ng ahensya na maaaring ihain ang criminal charges laban sa naturang website at iba pang mga nagpapanggap bilang lehitimong website ng mga ahensya ng pamahalaan.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

“Criminal charges may be pressed if related website/s shall persist,” babala ng ahensya.

“The DOH continues to enjoin the public to source information only from legitimate sources and platforms such as the health department,” dagdag nito.

Binanggit din ng DOH ang kanilang social media platforms, tulad ng "DOHgovph" para sa Facebook at X (dating Twitter), “@doh.philippines” sa Instagram, at “www.doh.gov.ph” para sa kanilang opisyal na website.