November 23, 2024

Home BALITA National

'Di nagdrama!' Robredo, dumalo sa lahat ng SONA noon ni FPRRD -- Ex-OVP spox

'Di nagdrama!' Robredo, dumalo sa lahat ng SONA noon ni FPRRD -- Ex-OVP spox
Courtesy: Dating Vice President Leni Robredo/FB

Kahit nagsilbing opposition leader si dating Vice President Leni Robredo ay hindi siya kailanman “nagdramang designated survivor” at lumiban sa mga naging State of the Nation Address (SONA) ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay dating Office of the Vice President (OVP) spokesperson Barry Gutierrez.

Sa isang X post nitong Biyernes, Hulyo 12, ibinahagi ni Gutierrez ang post ng “Impact Leadership” hinggil sa pagiging “The Real Survivor” umano ni Robredo nang dumalo siya sa lahat ng mga naging SONA ni FPRRD.

Makikita sa naturang post ang ilang mga larawan ni Robredo ng kaniyang “in-person” na pagdalo sa SONA ni FPRRD mula 2016 hanggang 2019, at kaniyang “virtual” na pagdalo mula 2020 hanggang 2021 o noong panahon ng pandemyang dulot ng Covid-19.

“Hindi nagdramang ‘designated survivor.’ Walang sinimulang spekulasyon na ‘may mangyayari sa SONA.’ Gabay ang Saligang Batas, hindi Netflix,” giit ni Gutierrez.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bagama’t walang pinangangalanan, tila patama umano ang naturang post ni Gutierrez kay Vice President Sara Duterte.

Matatandaang noong Huwebes, Hulyo 11, nang ianunsyo ni VP Sara na hindi siya dadalo sa SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at itinatalaga niya ang kaniyang sarili bilang “designated survivor.”

"I will not attend the SONA. I am appointing myself as the designated survivor,” ani VP Sara.

MAKI-BALITA: VP Sara, hindi dadalo sa SONA ni PBBM

Ang “Designated Survivor” ay isang Netflix thriller series na umere mula 2016 hanggang 2019.