November 23, 2024

Home BALITA National

Ninakaw na 1936 painting ni Amorsolo, nabawi na ng NBI

Ninakaw na 1936 painting ni Amorsolo, nabawi na ng NBI
Courtesy: National Museum of the Philippines/FB

Nabawi na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 1936 painting ni National Artist Fernando Amorsolo na ninakaw kamakailan sa isang private museum sa Silay City sa Negros Occidental.

Matatandaang naiulat kamakailang ang pagnakaw ng “Mango Harvesters” na painting ni Amorsolo sa Hofileña Museum sa Silay City noong Hulyo 3, 2024

MAKI-BALITA: Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Pagkatapos ng mahigit isang Linggo, nitong Biyernes, Hulyo 12, ay nabawi na ng NBI ang painting. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa ulat ng ABS-CBN News, dalawa rin umanong suspek ang naaresto ng mga awtoridad.

Tinurn-over naman daw ng NBI ang painting sa National Museum of the Philippines (NMP) para sa pagsisiyasat.

“Director-General Jeremy Barns was able to personally inspect the painting and assure the NBI that the painting is indeed the object that was stolen. He then issued a certification to this effect at the request of the NBI,” anang NMP sa isang Facebook post.

“We congratulate the NBI for safely retrieving the stolen painting and reaffirm our commitment to assisting our law enforcement agencies in any appropriate way.”

“We look forward to the return of ‘Mango Harvesters’ to its rightful owners and home at the Hofileña Museum and to the successful prosecution of all persons who were involved in the theft of this valuable piece of the nation’s cultural and artistic heritage,” saad pa nito.