May 21, 2026

Home BALITA National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!
Courtesy: Silay Heritage/FB

Isang painting ni National Artist Fernando Amorsolo ang ninakaw sa isang private museum sa Silay City, Negros Occidental.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, ibinahagi ni City tourism officer Gerle Sulmaca na ninakaw ang “Mango Harvesters” na painting ni Amorsolo sa Hofileña Museum noong Miyerkules ng umaga, Hulyo 3.

Sinabi naman ni Police Lt. Col. Mark Anthony Darroca, police chief ng Silay, na base sa closed-circuit television (CCTV) camera footage, isang babae at isang lalaki ang nakuhanang kumuha ng painting mula sa ikalawang palapag ng museo sa Barangay 1.

Gamit ang peke nilang identidad na inilista logbook, sumama umano ang dalawang suspek na nakasuot ng sumbrero at face masks sa tour ng isang grupo ng anim na indibidwal, at saka umalis sa museo pagkatapos ng 15 minuto habang bitbit ang isang bag.

Dagdag pa ni Darroca, tinuturing na persons of interest ang dalawa na posible umanong bahagi ng isang organized crime group dahil mukhang planado raw ang kanilang naging aksyon.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Samantala, sa isang Facebook post nitong Biyernes, Hulyo 5, nanawagan ang Silay Heritage ng tulong upang maibalik na ang naturang mahalagang piyesa.

“Please help in the recovery of this important piece of Philippine art. If you have information please contact 09985987443 / 09989674432 (Silay PNP) or report to the nearest authorities. Thank you,” anang Silay Heritage.

Nagpapatuloy naman daw nga awtoridad sa pagtunton sa mga suspek.

Hindi na isinapubliko ang halaga ng nasabing painting.