January 15, 2025

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Aso na lumuwa ang mata, nasa mabuti nang kalagayan

Aso na lumuwa ang mata, nasa mabuti nang kalagayan
Philippine Animal Welfare Society/FB

Unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ni Liesl, ang inabandonang aso na luwa ang mata, matapos sumailalim sa emergency eye surgery. 

Matatandaang nag-viral kamakailan ang post ng isang concerned netizen na si Gina Prudencio kung saan nanghingi siya ng tulong para ma-rescue ang aso sa 17th Avenue sa Cubao, Quezon City.

BASAHIN: Aso na halos lumuwa ang mata, na-rescue; PAWS, umaapela ng donasyon

Sa panibagong update ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS), sinabi nitong bumubuti na ang kalagayan ni Liesl. 

Kahayupan (Pets)

Asong sumunod sa mag-jowang nakamotorsiklo, naibalik sa naghahanap na furparent

"Remember sweet Liesl? It's been a week since she was rescued and she’s been steadily gaining strength since her emergency eye surgery," anang PAWS.

Dagdag pa nila, "Liesl has warmed up to everyone and gets very excited when she hears her name. With her custom-cooked porridge meals, her appetite has also been better."

Bukod dito, ang sanhi raw ng mga sugat ni Liesl ay dahil na-hit-and-run daw ito. 

"After further evaluation, it was noted that her severe injuries were likely tragically caused by human-inflicted trauma or a hit-and-run incident. Let’s please make sure to keep our pets secure as there are so many risks they may face on the streets. Please also duly report any cases of animal cruelty that you witness. Let’s all protect more animals," saad ng PAWS.

Samantala, isasailalim muli si Liesl sa isang pang surgery para sa kaniyang "fractured cheek and jaw." Kaya patuloy na humihingi ng tulong ang PAWS upang matugunan ang gastusin sa pagpapagamot ni Liesl.

Kung sinuman ang nais tumulong kay Liesl. I-message lamang ang PAWS sa kanilang Facebook page.