November 25, 2024

Home FEATURES Lifehacks

Pagsubsob ng mukha sa mataas na cake, iwasan kung ayaw mong mangyari ito...

Pagsubsob ng mukha sa mataas na cake, iwasan kung ayaw mong mangyari ito...

Viral at pinusuan ng mga netizen ang isang paalala para sa clients tungkol sa customized cakes.

Ayon sa Facebook post na ibinahagi ng "ELAsthetic Finds" na nakuha naman nila sa ibang page/netizen/uploader, iwasan daw ang "face smashing" o pagsubsob ng mukha sa cake dahil puwede itong ikapahamak ng kapwa.

Sa loob kasi ng cake ay may nakalagay na tinatawag na "dowel."

"Dear Client.."

Lifehacks

Bula ng kape, puwedeng gawing batayan kung may bagyo?

"Naglalagay po kami ng dowel. Kadalasan bamboo or bbq stick para tagos hanggang board para lalong matibay ang kapit ng cake especially kung ibabyahe. Iwas sira. Iwas stress kay client at baker."

"Kaya please . .. NO FACE SMASHING po sa cake.. "

"Pwede idutdot ang daliri sa icing at ipahid pero wag na nating isubsob ang mukha ng kahit sino sa cake..."

"Ang dowel na inilalagay namin ay support para hindi bumagsak o mag-slide ang cake.. Dahil matataas ang mga cake namin unlike any commercial brand na mabababa ang mga cake at hindi na kailangan lagyan ng pang suporta..."

Sang-ayon naman ang mga netizen sa nabanggit na paalala at nagpasalamat din sila sa paalalang ito para sa awareness na rin ng lahat.

Bukod dito, nagbigay ng mungkahi ang mga netizen na maglagay rin ng warning ang mga bake shops para maging aware ang mga tao.

"Dapat my note din silang ilalagay sa cake na may stick sa loob bawal isubsub ang mukha."

"Better is to put warning or reminder sticker sa box since hindi naman lahat aware."

"awareness yan para sa lahat sana may matutunan ang lahat ng makakakita sa photo at nang wala masaktan sa mga okasyon na dapat ay puro kasiyahan lang"

"Nakakakilabot paano nga kung may pilyo na gagawa. My God! Wala naman po sana makaisip."

"Sana nmn for safety reasons wag naman gnyan yun gamitin na dowel kung alin po yun pointed yun ang nasa taas...sana lang rounded na lang...what if accident happens nadulas yun may dala ng cake may possibility na matusok ng dowel..."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 18k reactions, 24k shares, at 1.3k comments ang nabanggit na post.