December 23, 2024

Home SHOWBIZ Events

Marian, may masigabong palakpak mula kay Dingdong

Marian, may masigabong palakpak mula kay Dingdong
Photo courtesy: Dingdong Dantes (IG)

Nagbigay ng kaniyang mensahe si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kaniyang misis na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera matapos ang pinag-usapan nitong pagta-translate sa Ingles ng tanong sa naganap na Century Tuna Superbods 2024.

Ang tanong ni Marian sa lalaking contestant na si "Jether Palomo" ay nasa wikang Filipino.

"Dumami ang followers mo sa social media no'ng naging finalist ka. Paano mo gagamitin ang opportunity na ito kahit natapos na ang kompetisyon na ito?" tanong ni Marian.

Ngunit hindi nakasagot ang contestant sabay hirit kay Marian na kung puwedeng isalin ito sa wikang Ingles.

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

"I'm sorry, can I get English please?" saad niya.

"I would try my best," kuwelang sagot ni Marian. "Are you ready for this? Listen very carefully. Here's my question."

So ang binasang translated version ni Marian, "Your social media following grew when you become a finalist, how would you use this opportunity even after your Superbods journey?"

"I think you understand that," kuwelang sabi ni Marian na ikinatuwa naman ng audience.

Napahiyaw naman ang audience dahil "naitawid" nga naman ni Marian ang caught off guard na pagta-translate ng tanong. Ngunit sa kabila nito, may ilang bashers naman ang nagsabing may mali raw sa grammar sa naging pagsasalin ng aktres.

MAKI-BALITA: Marian, hiniritan ng contestant sa Q&A: 'Can I get English please?'

Sa kaniyang Instagram post ay pinuri at sinuportahan naman ni Dingdong ang kaniyang misis.

"Hindi lang ang iyong panlabas na kagandahan ang nagningning kagabi, kundi pati na rin ang natural mong talento sa pagpapasaya at pagpukaw sa puso ng mga Pilipino."

"Isang masigabong palakpak para sa iyo, Misis ko."

"P.S. ‘Di kailangang i-translate sa ingles, gets niyo na ‘to," ani Dingdong.

Tugon naman dito ni Marian, "Love you mahal ko. Sa susunod ikaw na tatawagan ko para mag-translate!"

Photo courtesy: Screenshot from Dingdong Dantes (IG)

In fairness, si Jether Palomo ang itinanghal na grand winner sa male category at nakasungkit pa ng anim na special awards.

MAKI-BALITA: Contestant na nagpa-translate kay Marian, grand winner na, hakot awards pa!