July 19, 2024

Home SHOWBIZ Events

Marian, hiniritan ng contestant sa Q&A: 'Can I get English please?'

Marian, hiniritan ng contestant sa Q&A: 'Can I get English please?'
Photo courtesy: Screenshots from Century Tuna Superbods (FB)

Trending sa X ang pangalan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes dahil sa hirit na request sa kaniya ng isang lalaking contestant sa ginanap na Century Tuna Superbods competition kung saan isa siya sa mga umupong hurado.

Ang tanong ni Marian sa lalaking contestant na si "Jether Palomo" ay nasa wikang Filipino.

"Dumami ang followers mo sa social media no'ng naging finalist ka. Paano mo gagamitin ang opportunity na ito kahit natapos na ang kompetisyon na ito?" tanong ni Marian.

Ngunit hindi nakasagot ang contestant sabay hirit kay Marian na kung puwedeng isalin ito sa wikang Ingles.

Events

Kylie Padilla, masaya kahit walang ka-date sa GMA Gala 2024

"I'm sorry, can I get English please?" saad niya.

"I would try my best," kuwelang sagot ni Marian. "Are you ready for this? Listen very carefully. Here's my question."

So ang binasang translated version ni Marian, "Your social media following grew when you become a finalist, how would you use this opportunity even after your Superbods journey. I think you understand that."

Napahiyaw naman ang audience dahil "naitawid" nga naman ni Marian ang caught off guard na pagta-translate ng tanong.

Matatandaang sinabi na noon ni Marian sa mga panayam na hindi siya ganoon ka-fluent sa English, at dahil doon, poise na poise pa rin naman ang Kapuso star sa nangyari.

Anyways, si Jether Palomo ang itinanghal na grand winner sa male category at sa female category naman ay si Justine Felizarta.

Bukod doon hakot din sa special awards si Jether matapos masungkit ang E-Commerce Superstar Award, Garmin Beat Yesterday Award, Masflex Flex Like A Superbod Award, People's Choice Award, Perfect Smile Award, at Jojo Bragais Slay The Runway Award. 

MEET THE GRAND WINNERS OF THIS YEAR’S... - Century Tuna Superbods | Facebook