January 23, 2025

Home SHOWBIZ

Contestant na nagpa-translate kay Marian, grand winner na, hakot awards pa!

Contestant na nagpa-translate kay Marian, grand winner na, hakot awards pa!
Photo courtesy: Century Tuna Superbods (FB)

Itinanghal na grand winners ng Century Tuna Superbods 2024 competition sina Jether Palomo (male category) at Justine Felizarta (female category) nitong Martes ng gabi, Hulyo 9.

Si Jether ay ang male contestant na nagpa-translate sa English ng tanong sa kaniya ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes, na originally ay ibinato sa kaniya sa wikang Filipino.

"Dumami ang followers mo sa social media no'ng naging finalist ka. Paano mo gagamitin ang opportunity na ito kahit natapos na ang kompetisyon na ito?" tanong ni Marian.

Ngunit hindi nakasagot ang contestant sabay hirit kay Marian na kung puwedeng isalin ito sa wikang Ingles.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"I'm sorry, can I get English please?" saad niya.

"I would try my best," kuwelang sagot ni Marian. "Are you ready for this? Listen very carefully. Here's my question."

So ang binasang translated version ni Marian, "Your social media following grew when you become a finalist, how would you use this opportunity even after your Superbods journey. I think you understand that."

MAKI-BALITA: Marian, hiniritan ng contestant sa Q&A: 'Can I get English please?'

Napahiyaw naman ang audience dahil "naitawid" nga naman ni Marian ang caught off guard na pagta-translate ng tanong.

Bukod sa pagiging grand winner ay humakot din sa special awards si Jether gaya ng E-Commerce Superstar Award, Garmin Beat Yesterday Award, Masflex Flex Like A Superbod Award, People's Choice Award, Perfect Smile Award, at Jojo Bragais Slay The Runway Award.

MEET THE GRAND WINNERS OF THIS YEAR’S... - Century Tuna Superbods | Facebook