December 23, 2024

Home BALITA National

SP Chiz, handang lumagda ng arrest warrant vs Alice Guo

SP Chiz, handang lumagda ng arrest warrant vs Alice Guo
Senate President Chiz Escudero (Facebook); Mayor Alice Guo (MB file photo)

Ipinahayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na nakahanda siyang lumagda na warrant of arrest laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kapag hiningi ito ni Senador Risa Hontiveros.

Ito ay matapos sabihin ng abogado ni Guo na hindi dadalo ang alkalde sa Senate hearing sa Miyerkules, Hulyo 9, dahil sa “na-trauma” umano ito sa pagtrato ng Senado sa kaniya.

MAKI-BALITA: 'Hindi dadalo sa hearing!' Alice Guo, magpapadala ng excuse letter sa Senado

Sa isang press conference nitong Martes, Hulyo 9, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Escudero na nakasalalay kay Hontiveros, chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, kung hihiling siya na maglabas ng arrest warrant laban sa alkalde.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Kung hindi sila dadalo, nasa kamay ni Senator Risa kung siya ay magre-request na mag-issue ng warrant of arrest para sila ay puwersahang padaluhin sa pagdinig ng Senado at pipirmahan ko ang warrant of arrest na ‘yun kapag ni-request ni Senator Risa," ani Escudero.

Sinabi rin ng Senate president na kung totoo raw na “na-trauma” si Guo, dapat umanong magbigay siya ng medical certificate. 

"Katulad ng ibang dahilan o rason na may kinalaman sa kalusugan, kailangang magprisinta ng medical certificate na magbibigay ng sapat na dahilan para hindi dumalo sa pagdinig. Tinatanggap naman ‘yan ng Senado kung ito ay may basehan," saad ni Escudero.

Matatandaang naglabas na ng subpoena ang Senado laban kay Guo para dumalo ito sa pagdinig hinggil sa na-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban.

Nakatanggap din ang alkalde ng babala mula kina Senador Risa Hontiveros at Senador Win Gatchalian na maaari siyang ma-contempt at maaresto kapag hindi pa siya nagpakita sa pagdinig at sagutin ang mga alegasyong ibinabato sa kaniya.

MAKI-BALITA: Mayor Alice Guo, wala nang lusot kaya nagpapa-victim—Hontiveros