January 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Kayo ang dapat mag-adjust!' Xian Gaza, nakuha gigil ng Blooms

'Kayo ang dapat mag-adjust!' Xian Gaza, nakuha gigil ng Blooms
Photo courtesy: Christian Albert Gaza (FB)/Bini Blooms PH (FB)

Trending sa X ang pangalan ng social media personality na si Xian Gaza matapos ang kaniyang open letter para sa sikat na all-female Pinoy pop group na "BINI."

Tungkol ang open letter sa mga napababalitang masyado nang nasisira at na-iinvade ang privacy at personal space ng mga miyembro nito dahil kahit saan sila magpunta ay dinudumog talaga sila para lang makapagpa-picture.

Para kay Xian, sila raw mismo ang dapat mag-adjust since pinili raw nilang maging celebrity, at ngayon ay unti-unti na nga nilang natatamasa ang kasikatan.

"Ilang taon kayong naghahangad sumikat pero walang pumapansin sa inyo. Ngayong 2024 lang kayo nakakuha ng matinding break tapos magrereklamo na agad kayo kasi dinudumog kayo ng mga fans habang nasa pampublikong lugar?" aniya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Mga Ate, public figure na kayo ngayon. Sobrang sikat na kayo that's why yung mga fans ninyo ay nai-starstruck tuwing nakikita kayo. Kung gusto niyo pala ng personal space at privacy eh huwag kayong tumambay sa labas. Hindi sila yung dapat mag-adjust. Kayo ang dapat mag-adjust."

"Kung gusto niyo pala ng payapang buhay eh huwag kayong kumain sa mga mumurahing restaurant. Huwag kayong pumunta sa mga public space na maraming ordinaryong Pilipino para hindi kayo dinudumog at napeperwisyo. Imagine, papunta palang kayo sa peak ng inyong mga karera tapos mag-aattitude na kayo ng ganyan?"

"Paano maco-convert into fans club yung ibang Pilipino kung ganyan na agad kayo? Hanapbuhay niyo yan eh. Pinasok niyo yan. Ginusto niyo yan. Panindigan niyo. Alam ko mga Generation Z kayo kaya napakaimportante sa inyo ng personal boundaries. Nauunawaan ko yun. But it doesn't work that way sa loob ng industriya. Being a famous personality comes with great responsibility that's why yung mga sikat na Pilipino na gusto ng tahimik na buhay eh nag-migrate na lang sa abroad," aniya.

OPEN LETTER TO BINI MEMBERS: Ilang taon... - Christian Albert Gaza | Facebook

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon sa netizens, lalo na sa Blooms na tawag sa fans at supporters nila.

"Hanggang hotel room may nagpapa-picture sa kanila. Hindi ko maintindihan bakit hirap na hirap kayong intindihin yung salitang boundaries."

"Hoy Xian Gaza, kahit public figures sila, may karapatan pa rin sila sa tinatawag na privacy."

"In my opinion, fans should always be mindful of respect of boundaries. Fame comes with a price, I agree but respect still should be basic."

"I somehow get that point. But the thing is, in the way he's writing or saying his opinion, it's like he's tolerating people who don't understand or practice basic human decency, which is to respect someone's privacy and boundaries. Nisugot gani to ang girls sa ubang nagpapicture nila kay of course they are aware that they're in public and fans are gonna swarm them pero what's worst nga nahitabo is what happened to Aiah, kadtong nay ningduol kaayo ni Aiah to the point that she felt uncomfy. It's not something that the girls themselves can correct, it's something that the fans themselves should practice - respect."

"luh nanghingi lng nmn ng kaunting respeto ang bini eh,ikaw kaya kumakain tapos bigla kang sinalubongan ng mga tao,kunti lng nmn hinihingi ng mga bini,naiinis na ako bakit binabash nyo ang bini wala nmn silang ginagawa na masama ah."

Bini Blooms PH - Panibagong Inis mula kay Xian Gaza Kelan mo ba... | Facebook

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang BINI o maging ang management ng ABS-CBN patungkol sa open letter ni Gaza.

MAKI-BALITA: Socmed personality, binatikos matapos 'bastusin' BINI member

MAKI-BALITA: BINI Aiah, sinunggaban ng isang lalaki sa bar; fans nanggalaiti sa galit

MAKI-BALITA: BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

MAKI-BALITA: Direk Lauren, nanawagang irespeto ang personal space at privacy ng BINI