October 04, 2024

Home FEATURES Lifehacks

Influencer na nasabugan ng cellphone, nagbabala sa mga mahilig mag-charge habang tulog

Influencer na nasabugan ng cellphone, nagbabala sa mga mahilig mag-charge habang tulog

Usap-usapan ang naging babala ng isang social media influencer na nagngangalang "Marries Cabral" matapos niyang ibahagi ang nakaka-traumang karanasan sa kaniyang mamahaling cellphone na naiwanan niyang naka-charge habang tulog siya.

Ito raw ay isang babala na rin sa iba pang nagiging habit o nakakatulugang naka-charge ang cellphone nila.

Ipinakita ni Marries ang kaniyang sunog na sunog na cellphone na iniwan daw niyang naka-charge sa kaniyang kama. Ipinakita rin niya ang ginamit niyang charger gayundin ang mga nasunog na bahagi ng punda ng unan.

Mabuti na lamang daw at hindi siya nasabugan sa mukha o bahagi ng katawan kaya para sa kaniya ay mauswerte pa rin siya.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Paalala niya sa mga netizen na huwag na siyang tularan upang hindi na nila maranasang masabugan ng cellphone habang naka-charge, lalo na sa kasarapan ng tulog.

Kung magcha-charge naman daw, mas mainam na gising o nakikita upang kung sumabog man, agad na mahuhugot ito mula sa saksakan at hindi na pagmulan pa ng mas malalang sakuna gaya ng sunog.