January 23, 2025

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

American bully na bulag at malnourished, inabandona sa bakanteng lote

American bully na bulag at malnourished, inabandona sa bakanteng lote
photos courtesy: Animal Kingdom Foundation/FB

Tila itinuring parang basura ang isang bulag at malnourished na American bully matapos itong iwan sa isang bakanteng lote sa Nagcarlan, Laguna.

Sa Facebook post ng Animal Kingdom Foundation (AKP) noong Hulyo 3, hindi maganda ang kalagayan ng asong si "Bini" nang makita nila ito sa bakanteng lote. 

"SHE WAS DUMPED IN A VACANT LOT LIKE TRASH. Disabled, blind and malnourished. She is in a very bad shape and will surely need intensive treatment," saad ng AKP. 

Kaya mula sa Laguna, dinala ng AKP sa Quezon City si Bini para mapagamot ito.

Kahayupan (Pets)

AKF, muling kinondena Pasungay Festival

Nitong Hulyo 4, napag-alaman nilang may hindi pa natatanggal na tahi sa tiyan si Bini. Pinaniniwalaan ng AKP na galing ito sa isang ceasarian section.

"We found out today that BINI still had UNREMOVED SUTURES on her abdomen. LOOKS LIKE IT’S FROM A RECENT CEASARIAN SECTION. Yes, she might have been used for breeding," ayon sa AKP.

"We are sure she was once a beautiful and majestic dog, probably even used for show. The sad part of her story was when her owner, who we are sure she loved so dearly, abandoned her when she was desperately in need of a carer and a companion. When she was sick and when she can’t even stand up anymore," dagdag pa nila.

Paalala ng AKP, hindi disposable ang mga aso na itatapon na lamang kapag hindi na napapakinabangan.

"Pets are not disposable things. You don’t just throw them away when they are no longer useful or attractive or in good condition.

"THE GREATEST BETRAYAL YOU CAN EVER DO TO YOUR PET [IS] TO ABANDON IT. PLEASE DO NOT EVER GET ONE IF YOU ARE NOT READY TO BE RESPONSIBLE FOR A LIFE."

Samantala, umaapela ng tulong ang AKP para sa pagpapagamot kay Bini.

Maaaring bisitahin ang Facebook post na ito o maaaring magpadala ng tulong sa pamamagitan ng mga sumusunod na detalye:

GCASH - 09273403514 Marquez H.
PAYPAL : [email protected]
Account Name : Animal Kingdom Foundation
BDO 0069 1011 0365
BPI Acct. 1681 0015 88