December 23, 2024

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

AKP sa mga nang-aabandona ng hayop: 'Pets are not disposable things'

AKP sa mga nang-aabandona ng hayop: 'Pets are not disposable things'
photos: Animal Kingdom Foundation/FB

Nagbigay-paalala ang Animal Kingdom Foundation (AKP) sa mga taong nang-aabandona ng mga alagang hayop kapag wala na umanong pakinabang. 

Sa isang Facebook post, sinabi ng AKP na  hindi disposable ang mga aso na itatapon na lamang kapag hindi na napapakinabangan.

Nangyari ang pahayag na ito nang ma-rescue nila ang isang bulag at malnourished na American bully na inabandona sa isang bakanteng lote sa Nagcarlan, Laguna.

BASAHIN: American bully na bulag at malnourished, inabandona sa bakanteng lote

Kahayupan (Pets)

Animal Rescue PH, nagdaos ng Christmas Party para sa rescued furbabies!

"Pets are not disposable things. You don’t just throw them away when they are no longer useful or attractive or in good condition," anang AKP.

"The greatest betrayal you can ever do to your pet  [is] to abandon it. Please do not ever get one if your are not ready to be responsible for a life," dagdag pa nila.