December 23, 2024

Home BALITA National

Fingerprint ng ikatlong 'Alice Guo', 'di tugma kay Mayor Alice Guo

Fingerprint ng ikatlong 'Alice Guo', 'di tugma kay Mayor Alice Guo
photos courtesy: Senator Risa Hontiveros/FB

Isiniwalat ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkules, Hulyo 3, na hindi tugma ang fingerprint ng ikatlong 'Alice Guo' kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ang ikatlong 'Alice Guo' at si Mayor Alice ay pareho ng petsa ng kaarawan na Hulyo 12, 1986, at pareho ring ipinanganak sa Tarlac, dahilan para pag-aralan ng NBI ang fingerprint ng una base sa NBI clearance nito noong 2005 na kinuha sa Quezon City.

KAUGNAY NA BALITA: ‘STOLEN IDENTITY?’ Mayor Alice Guo, hindi tunay na 'Alice Leal Guo'?

 Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ipepresenta nila ang dokumento sa Senado sa Hulyo 10. 

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Una rito, kinumpirma ng NBI na iisa lamang si Mayor Alice Guo at si Guo Hua Ping dahil nagtugma ang kanilang fingerprint. Sa kumpirmasyong ito, napatunayang Chinese national umano si Mayor Alice. 

BASAHIN: NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros

Matatandaang si Senador Win Gatchalian ang unang naglabas ng isang dokumento na nagsasabing may posibilidad umanong “Guo Hua Ping” ang tunay na pangalan ni Mayor Alice.

“Alice Guo might be Guo Hua Ping, who entered the Philippines on January 12, 2003 when she was 13 years old. Her real birth date is on Aug 31, 1990,” ani Gatchalian sa mga mamamahayag.

Gayunman, itinanggi ni Guo na siya si Guo Hua Ping.

BASAHIN: Mayor Alice Guo, may tunay nga bang pangalan na ‘Guo Hua Ping’?

***Ito ay isang developing story