November 28, 2024

Home BALITA National

Liberal Party: 'Kakarampot' na umento sa sahod, isang sampal sa mukha'

Liberal Party: 'Kakarampot' na umento sa sahod, isang sampal sa mukha'
Liberal Party/FB

Sa isang pahayag, sinabi ng Liberal Party na "isang sampal sa mukha ng mga manggagawang Pilipino ang kakarampot na umento sa sahod."

Nitong Lunes, Hulyo 1, inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang ₱35 na pagtaas sa minimum wage sa National Capital Region (NCR).

BASAHIN: Minimum wage sa NCR, ₱645 na!

"Bukod sa mas mababa ito sa halagang inaprubahan noong nakaraang taon, ni hindi sapat ang idinagdag na PHP35 para makabili ng isang kilong bigas sa panahong walang humpay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin," ayon pa sa Liberal Party.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Pagpapatuloy pa, "Malalim ang epekto ng mababang pasahod sa ating lipunan. Ang mga pamilyang nagigipit dahil sa maliit na kita ay nababaon sa utang, dumaranas ng malnutrisyon, at kinukulang sa edukasyon. Marami ang napipilitang kumapit sa patalim, o magtiwala sa mga politikong kung ano-ano ang ipinapangako kapag panahon ng eleksiyon. Hindi lang pagdurusa sa kasalukuyan ang idinudulot ng mababang pasahod; pinapatay din nito ang mga pangarap ng mamamayan at ang kinabukasan ng bansa."

Nakikiisa rin daw sila sa mga panawagan para sa mas "makatarungang" wage increase. 

"Nakikiisa kami sa mga panawagan para sa mas makatarungang wage increase. Ibigay sa ating mga manggagawa ang halagang katapat ng kanilang dedikasyon at sakripisyo, at sapat upang mabuhay sila nang may dignidad. Tama na ang mga pangakong napako, at mga pabalat-bungang umento sa sahod."