January 10, 2025

Home BALITA Metro

2,500 job vacancies, iaalok sa 'Kalinga sa Maynila PESO Job Fair'

2,500 job vacancies, iaalok sa 'Kalinga sa Maynila PESO Job Fair'

Nasa 2,500 ang job vacancies na nakatakdang ialok sa Kalinga sa Maynila PESO Job Fair na gaganapin sa Maynila ngayong Miyerkules, Hulyo 3.  

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna,  ang nasabing job fair ay gaganapin mula 8:00AM hanggang 12:00NN sa Guadalcanal St. sa Sta. Mesa, Manila.     

Sinabi naman ni Public Employment Service Office (PESO) chief Fernan Bermejo, na ang employment opportunities ay bukas sa lahat ng high school graduates, college level, college at tech/voc graduates.     

Dagdag pa ng alkalde, ang job fair ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment - National Capital Region (DOLEA-NCR) at DOLE-NCR Manila Field Office.     

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Pinapayuhan naman ang mga aplikante na magsuot ng casual attire, magdala ng 10 kopya ng resume at sariling ballpen at sumunod sa standard public health protocols.    

Hinihikayat din ng alkalde ang mga Manilenyo na walang trabaho na subukan ang kanilang kapalaran  dahil marami sa mga nag-a-apply ang natatanggap on the spot.  

Sa nasabing 'Kalinga sa Maynila', magkakaloob din ang Manila City Government ng mga pangunahing serbisyo gaya ng medical consultation, basic medicines, deworming, rabies vaccination, civil registry, tricycle, parking registration, PWD/solo parent/senior citizen IDs, clearing/flushing operations, water/electricity, building permit inquiries, notary services, at police clearance.        

Inaasahang lalahukan ito ng mga pinuno ng iba't-ibang departments, bureaus at offices, sa pangunguna ng MTPB - Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Public Services-Manila, Department of Engineering and Public Works, Manila Police District, Manila Barangay Bureau, Manila Civil Registry Office, City Legal Office, Manila, Manila Health Department, Manila Department of Social Welfare, PESO -Manila, Manila OSCA, Manila Veterinary Inspection Board at City Treasurer’s Office- Manila.      

Sakop ng nasabing forum ang mga Barangays 594, 595, 596 at 597 at magsisimula ito ganap na alas-7:00 ng umaga.