Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Abuyog, Leyte nitong unang araw ng Hulyo.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol sa Abuyog Leyte nitong 1:22 ng tanghali na may lalim ng 2 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Hinundayan at Hinunangan, Southern Leyte; Dulag, Javer, at Abuyog, Leyte.
Intensity II naman sa Alangalang, Leyte, at intensity I naman sa Albuera at Hilongos, Leyte; Basey, Samar; San Juan at Sogo, Southern Leyte.
Dagdag pa ng ahensya, ito raw ay ang aftershock mula sa magnitude 5.8 na lindol sa baybayin ng Leyte noong Mayo 3, 2024.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang magnitude 4.9 na lindol.
Samantala, niyanig din ng lindol ang Eastern Samar nitong Lunes, Hulyo 1.