May 01, 2026

Home BALITA National

Magnitude-5.0 na lindol, tumama sa Eastern Samar

Magnitude-5.0 na lindol, tumama sa Eastern Samar
(PHIVOLCS-DOST)

Tumama ang magnitude-5.0 na lindol sa Eastern Samar nitong Lunes ng tanghali, Hulyo 1.

Sa datos mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol sa Balangiga, Eastern Samar dakong 1:53 ng tanghali, na may lalim na 10 kilometro.

Dagdag pa ng ahensya, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Naramdaman din ang pagyanig sa Hinundayan at Hinunangan, Southern Leyte; at sa Dulag at Abuyog, Leyte.

Bagama't walang inaasahang pinsala, inaasahan naman ang aftershocks matapos ang pagyanig. 

National

Rep. Garin, wafakels sa bansag na 'Dengvaxia Queen' ni Rep. Barzaga