Isiniwalat ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang tungkol sa pag-uwi niya sa Pilipinas nang kapanayamin siya ni showbiz insider Ogie Diaz.
Sa latest episode ng vlog ni Ogie nitong Sabado, Hunyo 29, sinabi ni Kris ang lagay ng kaniyang kalusugan at kung kailan niya balak bumalik sa bansa.
Ayon kay Kris, matindi raw ang treatment na pinagdaanan niya noong mga nakaraang buwan. At nasa punto na raw siya ng kaniyang buhay na gusto na lang niya ng tahimik.
Kaya pinili raw niyang hindi na ibalita pa ang tungkol sa kaniyang pinagdaana dahil alam niyang may kaniya-kaniyang pinapasan ang mga tao na kailangan ding malampasan.
“Thank you sa lahat ng mga nagdadasal for me. Ayaw kong pabigatin ang dala nila. Let’s keep in na positive na yes, gumagaling ako. Pero as I told you earlier, may mga natamaan na blood vessels.
So kailangan ko pang magpalakas. Pero because you’re you [Ogie], and I love you, so I can reveal to everybody na hopefully sa last quarter ng taon bago magpasko, I’ll be back in the Philippines.
Pero nakadepende pa raw ito dahil may pagsusuri daw ulit na kailangan niyang pagdaanan na kinatatakutan niya raw.
“And it really depends, kasi may mga pagdadaanan akong mga test at isa do’n ‘yong MRI (magnetic resonance imaging) with contrast dye,” lahad ni Kris.
“Do’n ako natatakot kasi ‘yon ‘yong test na hihiga ka papasok ka tapos mayroong malaking machine. Maingay kahit bigyan ka ng noise cancellation maririnig mo pa rin and you’re there close to one hour, may isu-shoot sa ‘yo na may kulay ‘yong dye tapos sa buong katawan mo dadaan ‘yan,” wika niya.
Dagdag pa niya: “May fear ako kasi the last time I had that done was way back 2019. Ang mga allergy nag-e-evolve and in-assure naman ako na kaya ko raw and na-survive ko ‘yon.And bago kami umalis ng Pilipinas ng 2022 nakapag-pet scan na ako para malaman kung may cancer ka. Clear ako do’n kinaya ko naman ‘yong in-inject sa akin no’ng panahong ‘yon.”
Pagkatapos nito, ayon kay Kris, pwede na raw ituloy ang gamutan sa Pilipinas. Bagama’t may mga gamot daw siyang hindi available sa bansa, sinabi naman niya na may tatlong ospital daw dito na pwedeng angkatan kung ang magbibigay daw ay isang rheumatoid specialist.