January 22, 2025

Home BALITA National

PBBM, kailangan pa ng 'more time' para mapili bagong DepEd chief

PBBM, kailangan pa ng 'more time' para mapili bagong DepEd chief
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mas mahirap pa sa inaakala niya ang mamili ng bagong kalihim ng Department of Education (DepEd), kaya’t  kailangan pa raw niya ng mas mahabang oras para rito.

Sa isang panayam nitong Sabado, Hunyo 29, sinabi ni Marcos na nahihirapan siyang piliin ang bagong DepEd chief dahil dapat daw na maging tama ang kaniyang desisyon para sa ahensya.

"It turns out it's harder than I thought because we absolutely have to get it right. So I'm giving myself more time," ani Marcos.

Ayon pa sa pangulo, kinokonsidera rin niya ang mga suhestiyon ng iba’t ibang mga sektor hinggil sa mga kalidad ng Education secretary.

National

Hontiveros, nauunawaan ilang senador na binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

"There are many calls for the new secretary to be an educator. There are many calls for the new secretary to be an administrator. There are new calls for a historical professor,” saad ni Marcos.

“They are all valid concerns. That's what education is all about," dagdag pa niya.

Matatandaang kamakailan lamang ay sinabi ng pangulo na iaanunsyo niya ang bagong DepEd secretary bago matapos ang linggong ito.

MAKI-BALITA: PBBM, iaanunsyo na ang bagong DepEd chief bago matapos ang linggo

Samantala, ang naturang pagpili ni Marcos ng bagong kalihim ng DepEd ay matapos magbitiw sa pwesto si Vice President Sara Duterte noong Hunyo 19, 2024.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’