December 23, 2024

Home BALITA Metro

Zamora, nangakong parurusahan mga sangkot sa kaguluhan sa 'basaan'

Zamora, nangakong parurusahan mga sangkot sa kaguluhan sa 'basaan'
photos courtesy: Manila Bulletin

Humingi ng paumanhin si San Juan City Mayor Francis Zamora sa nangyaring kaguluhan sa tradisyunal na "basaan" at nangakong parurusahan ang mga kasangkot dito.

"Ako po ay humihingi ng paumanhin at pasensya sa mga nangyaring ‘yan noong panahon ng aming kapistahan. Alam niyo po ako ay hindi papayag na ang imahe at reputasyon ng lungsod ng San Juan at ng aming kapistahan ay masira ng dahil sa iilang mamamayang nanggulo," saad ni Zamora sa isang media conference nitong Biyernes, Hunyo 28, na iniulat ng Manila Bulletin. 

Ayon pa kay Zamora, ginawa niya raw ang lahat upang matukoy ang mga lumabag sa mga ordinansa ng lungsod hinggil sa pista at Revised Penal Code.

Nirerebyu na rin nila, katuwang ang San Juan City Police, ang mga larawan at video ng mga San Juaneños na puwersahang nambabasa ng mga motorista.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Base sa Ordinance No. 51, series of 2018, ang mga indibidwal na "guilty" ay magmumulta ng P2,500 hanggang P5,000 at makukulong ng hanggang anim na araw.

Hinihikayat ni Zamora ang mga biktima na pumunta sa kaniyang opisina at maghain ng reklamo.

“Hinihikayat ko po ang ating mga mamamayan na pumunta sa aking opisina, lalo na 'yung mga naging biktima. Sapagkat mas gusto ko po na talagang pumunta sila rito at sila ang mag-file ng kaso direct po sa ating mga piskal upang Revised Penal Code mismo ang magamit sa kanila kung saan mas malaki ang magiging parusa sa kanila, maaari silang makulong," anang alkalde. 

Samantala, nitong Huwebes, humingi na ng paumanhin ang Tourism and Cultural Affairs Office ng San Juan.

BASAHIN: San Juan LGU, nag-sorry sa nangyaring kaguluhan sa 'basaan'

Matatandaang may nagreklamong isang netizen sa social media dahil nasira daw ang kaniyang laptop at cellphone matapos daw buhusan ang loob ng sinasakyan niyang pampasaherong jeepney.

BASAHIN: Post ng nasiraan ng gadgets dahil sa 'Wattah Wattah' Festival ng San Juan, usap-usapan

Ang "Basaan" ay parte ng  Wattah! Wattah! Festival 2024 para bigyang-pugay si San Juan Bautista.