January 22, 2025

Home BALITA

VP Sara, 'di raw nagpaliwanag kay PBBM sa pagbibitiw niya sa DepEd, NTF-ELCAC

VP Sara, 'di raw nagpaliwanag kay PBBM sa pagbibitiw niya sa DepEd, NTF-ELCAC
Courtesy: Vice President Sara Duterte; Pangulong Bongbong Marcos/FB

“Huwag na lang natin pag-usapan.”

Ito raw ang naging sagot ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang tanungin siya nito kung bakit siya magbibitiw sa Department of Education (DepEd) at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Matatandaang noong Hunyo 19, 2024 nang ianunsyo ni Duterte ang kaniyang pagbibitiw bilang kalihim ng DepEd at vice chair ng NTF-ELCAC.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Sa isang panayam ng mga mamamahayag nitong Huwebes, Hunyo 27, ibinahagi ni Marcos na hindi nagbigay sa kaniya ng dahilan si Duterte ukol sa kaniyang naging pagbibitiw sa gabinete.

"She didn’t give any reasons. I asked her, are there any particular reasons why she had chosen to resign from the Department of Education and the NTF-ELCAC, and she said, ‘'Wag na lang natin pag-usapan’,” anang pangulo.

“So I did not force the issue," saad pa niya.

Kaugnay nito, inihayag ni Marcos na iaanunsyo na niya ang magiging bagong kalihim ng DepEd bago matapos ang linggong ito.

MAKI-BALITA: PBBM, iaanunsyo na ang bagong DepEd chief bago matapos ang linggo

Samantala, matatandaan namang sinabi kamakailan ni Duterte sa panayam ng GMA Integrated News na personal siyang nagtungo sa opisina ni Marcos upang sabihin ang tungkol sa kaniyang pagbibitiw, at naging maayos naman daw ang kanilang pag-uusap.

MAKI-BALITA: VP Sara kay PBBM: ‘We are still friendly with each other on a personal level’

Ibinahagi rin ng bise presidente na nalulungkot siya sa kaniyang pag-alis sa DepEd dahil minahal na rin daw niya ang kaniyang trabaho sa ahensya.

MAKI-BALITA: VP Sara, nalulungkot sa pagbibitiw sa DepEd: ‘Minahal ko talaga trabaho ko’