November 22, 2024

Home BALITA

NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros

NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros
MULA SA KALIWA. Senador Risa Hontiveros at Mayor Alice Guo (Photo courtesy: Sen. Risa Hontiveros/FB)

Isiniwalat ni Senador Risa Hontiveros nitong Huwebes, Hunyo 27, na kinumpirma na ng National Bureau of Investigation (NBI) na iisa lamang si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at si “Guo Hua Ping.”

Sa isang Facebook post, inihayag ni Hontiveros na “nag-match” ang fingerprints nina Guo at Guo Hua Ping.

“Mayor Alice, walang sikretong hindi nabubunyag. Indeed, the NBI has confirmed that the fingerprints of Mayor Alice Guo and Guo Hua Ping match. Ibig sabihin, they are the fingerprints of one & the same person,” pahayag ni Hontiveros. 

 “This confirms what I have suspected all along. Pekeng Pilipino si "Mayor Alice" — or should I say, Guo Hua Ping. She is a Chinese national masquerading as Filipino citizen to facilitate crimes being committed by POGO,” dagdag pa niya.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Kaugnay nito, iginiit ng senadora na “napakalaking insulto” ang pangyayari sa mga botante ng Bamban, naging sa mga institusyon ng gobyerno sa mga Pilipino.

 “Ito na ang pinakamabigat na ebidensya para palayasin na sa pwesto si ‘Mayor Alice’,” psgbibigay-diin ni Hontiveros.

Nagpasalamat naman ang senadora sa NBI dahil sa mabilis daw nilang pagkilos sa kaso.

“I call on the Office of the Solicitor General to expedite its filing of a quo warranto case against her. Dapat mapanagot siya sa lahat ng krimen na ginawa niya at ng kanyang POGO hub,” ani Hontiveros.

 “This revelation is not the end. Guo Hua Ping, soon, we will know the full extent of your deception. Magpapatuloy ang aming imbestigasyon sa Senado. 

We will dig deeper and locate the systemic roots of our POGO problem,” saad pa niya.

Habang sinusulat ito’y wala pa namang pahayag si Guo hinggil sa isinapubliko ni Hontiveros.

Matatandaang una nang inilabas ni Senador Sherwin Gatchalian ang isang dokumento na nagsasabing may posibilidad umanong “Guo Hua Ping” ang tunay na pangalan ni ng alkalde. 

Samantala, nitong Miyerkules, Hunyo 26, nang isapubliko naman ni Hontiveros ang dalawang NBI documents kung saan mayroong dalawang “Alice Leal Guo” at pareho rin sila ng birthday na Hulyo 12, 1986.

MAKI-BALITA: ‘STOLEN IDENTITY?’ Mayor Alice Guo, hindi tunay na 'Alice Leal Guo'?