Tinawag ni Senador Risa Hontiveros na "pekeng Pilipino" si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang mapatunayan ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang huli at si Guo Hua Ping ay iisa.
Matatandaang naglabas si Senador Win Gatchalian ng isang dokumento na nagsasabing may posibilidad umanong “Guo Hua Ping” ang tunay na pangalan ni Mayor Alice.
“Alice Guo might be Guo Hua Ping, who entered the Philippines on January 12, 2003 when she was 13 years old. Her real birth date is on Aug 31, 1990,” ani Gatchalian sa mga mamamahayag.
Gayunman, itinanggi ni Guo na siya si Guo Hua Ping.
BASAHIN: Mayor Alice Guo, may tunay nga bang pangalan na ‘Guo Hua Ping’?
Nitong Huwebes, Hunyo 27, kinumpirma na ng NBI kay Hontiveros na si Alice Guo at Gua Hua Ping ay iisa dahil pareho raw ito ng fingerprint.
"This confirms what I have suspected all along. Pekeng Pilipino si "Mayor Alice" — or should I say, Guo Hua Ping. She is a Chinese national masquerading as Filipino citizen to facilitate crimes being committed by POGO," sabi ng senadora.
BASAHIN: NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros
Bago rin makumpirma ng NBI ang tungkol dito, isinapubliko ni Hontiveros nitong Miyerkules, Hunyo 26, ang dalawang NBI document kung saan mayroong dalawang “Alice Leal Guo” at pareho rin sila ng birthday na Hulyo 12, 1986.
BASAHIN: ‘STOLEN IDENTITY?’ Mayor Alice Guo, hindi tunay na 'Alice Leal Guo'?