Basang-basa ang mga residente at nagdaang motorista sa San Juan City matapos magsabuyan ng tubig sa isa't isa at sa mga dumaraan, kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ni St. John the Baptist sa nabanggit na lungsod ngayong araw ng Lunes, Hunyo 24.

Sa mga larawang ibinahagi ni Mark Balmores ng Manila Bulletin, makikitang masayang-masayang nagbasaan ang mga residente sa San Juan City, at may ilan pang fire truck na nagbuga ng tubig para mabasa ang lahat para sa kapistahan ng pintakasi o patron saint ng lungsod.

Ang ilan ay kumuha pa ng mga timba ng tubig at sinabuyan ang sarili maging ang iba pa.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Taon-taong tradisyon ang pagdiriwang ng pista ni San Juan Bautista, na isinasagawa sa pamamagitan ng basaan sa isa't isa, bilang representasyon sa kaugalian ng bautismo.